^

Pang Movies

Mocha kinontra ang isyu ng pagsibak, umaming kakandidato!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mocha kinontra ang isyu ng pagsibak, umaming kakandidato!
Mocha Uson

Bongga national issue

Kumpirmado na ang pagkandidato ni former Assistant Secretary Mocha Uson sa 2019 midterm elections.

Yes, kakandidato ang controversial na former singer and dancer matapos nga siyang umalis o inalis ba sa puwesto bilang Communications Assistant Secretary.

At trending ito kahapon matapos ngang kontrahin ang isyung sinibak siya ng Malacanang. “Hindi po totoo na ako ay sinibak. Kaya kong patunayan yan. Ito ay obvious na paninira ng kalaban sa pulitika dahil ang akala nila ay tatakbo ako sa 2019. Dahil diyan AKO AY TATAKBO NA dahil mapalad pa nga ako na nakakasagot ako sa blog ko pero paano ang mga ordinaryong Pilipino na walang paraan sumagot sa mga fake news ng ilang media. Bibigyan ko kayo ng boses. Salamat”

Naging mainit ang isyu kay Ms. Mocha dahil sa mga nag-viral nilang video ng kapwa niya blogger na si Drew Oliver sa kampanya ng federalism at panggagaya sa mga deaf and mute.

Sa October 11 na ang  simula nang filing of candidacy for 2019 kaya inaabangan din ang ibang mga artistang sinasabing kakandidato kung magpa-file sila.

Pero ang isang sigurado lang dito, bongga si Mocha. National issue ang lahat ng mga sabihin niya. Mas pinag-uusapan kesa sa pagmahal ng gasolina.

Related video:

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with