^

Pang Movies

Archie ‘di pa rin tapos kuyugin ng fans

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Archie �di pa rin tapos kuyugin ng fans
Archie Alemania

Nagkamali sina Archie Alemania at Juancho Trivino na kantiin si phenomenal star Maine Mendoza sa isang Instagram story ni Archie habang nagdi-dinner sila sa last taping day ng Inday Will Always Love You.

Feeling ng fans binastos nina Archie at Juancho si Maine tulad din nang ginawang pambabastos daw ni Juancho noon kay Alden Richards nang mag-dirty finger ito sa kapwa Kapuso actor.

Ang nakairita pa sa ADN (Aldub Nation), bakit kung friend daw niya si Maine, tulad nang sinasabi lagi ni Juancho, hindi nito pinigilan si Archie sa mga sinasabi nito, dawit tuloy ang iba pang artistang nandoon na nakitawa sa mga pinagsasabi ni Archie. Lalong nanggigil ang mga fans nang malamang iisa pala ang manager nina Maine at Archie nang mag-post pa si Archie na tinanggal na raw niya ang Igs niya dahil nakiusap ang kanyang manager. Pero wala raw siyang pakialam kina Juancho, Maine at Alden. Too late dahil marami nang nakapag-share ng video kaya galit na galit silang lahat sa dalawa. Kaya ang post nila sa IG ni Archie: “Pasikatin ang mga laos, wag n’  yong paglaruan si Maine.”

Hanggang sinusulat namin ito, hindi pa rin tinatantanan ng mga ADN sina Archie at Juancho. Nakakalungkot lang dahil papasok na rin ang bagong show ni Maine sa GMA, ang sitcom na Daddy’s Gurl, kasama sina Vic Sotto, Wally Bayola at Oyo Sotto, simula sa October 13. Iyon ba ang pasalubong nila sa isa pang Kapuso?

Shaira ayaw nang pag-usapan ang nangyari sa kanila ni EA

Ayaw na ni Shaira Diaz na pag-usapan ang tungkol sa kanila ng dating boyfriend na si Edgar Allan Guzman. Nasa GMA din kasi si EA at may possibility na magkasama pa rin sila sa isang project. Kung papayagan daw sila ng management, bakit daw hindi. Si Shaira kasi ay under the ALV Management ni Arnold Vegafria, At si EA naman ay co-managed ni Noel Ferrer.

Pero happy si Shaira na since pumasok siya sa GMA, from TV5, hindi siya nawawalan ng project doon, kahit guestings lamang sa mga shows nila. At maganda, nagawa pa niyang makapag-enrol ngayon ng Marketing Management sa Perpetual Help College sa kanila sa Las Pinas City.

Sa Pamilya Roces, si Shaira ay si Amythyst Roces, ang bunso sa mga anak ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon) at paborito nito. Airing na sila simula sa October 8, after ng Onanay.

vuukle comment

ARCHIE ALEMANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with