^

Pang Movies

Sabi nga ni Direk Chito, tinext Signal Rock susubukang bumida Oscars!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sabi nga ni Direk Chito, tinext Signal Rock susubukang bumida Oscars!

Naku, Ateng Salve, nakatsikahan ko kahapon si Direk Chito Roño at sobrang happy siya na ang pelikula niyang Signal Rock ang official entry ng Philippines sa Oscars next year bilang Best Foreign Language Film.

daw siya ng isang broadsheet writer tungkol sa bagay na ‘yon, kaya nalaman niya.

Ang ginawa nga raw niya ay kinausap niya si Leo Martinez tungkol doon at ibinigay sa kanya ang requirements na kailangan niyang i-submit para roon.

“Ang daming requirements, pinapaasikaso ko na kasi nasa Samar ako,” sabi ni Direk Chito.

Sa tsikahan namin ni Direk Chito, obvious na masaya siya.

Sa tingin daw niya ay kailangang ipalabas uli ang Signal Rock para mapanood ng mga gustong makapanood nito.

“Ang Regal na ang mag-aasikaso tungkol diyan. Kung iri-release nila uli. Sana lang, kasi maraming gustong manood,” sabi ni Direk Chito.

Naku, sana nga ay maisipan ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na i-showing uli ang Signal Rock dahil for sure, after ng announcement tungkol sa pagkakapili sa pelikula bilang entry sa Oscars next year, marami ang may gustong mapanood ito (at ang iba naman na nakapanood na ay gustong manood uli).

Who knows, baka kumita na ito kapag ipalabas uli, huh!

Pops may show na online

May internet show na rin si Pops Fernandez. Sabi ng original Concert Queen, sa YouTube raw niya ito ipapalabas.

“Gusto ko by October, makapag-upload na,” sabi ni Pops na nagkuwentong nagsimula na siyang mag-taping.

Wala pa raw exact date, pero gusto niyang i-announce na ang kanyang internet show para abangan na.

Sa ngayon, nag-iipon pa raw siya ng episodes para sa kanyang internet show.

For sure, friends naman sila ng ex-husband niyang si Martin Nievera, hindi naman siya mahihirapan na i-guest ito kung sakaling mag-request siya.

KC balik-ABS

Spotted sa ABS-CBN noong Monday night sina Martin, Ryan Cayabyab, Moy Ortiz (ng The Company) at KC Concepcion.

Sina Martin, Ryan at Moy ay nagte-taping para sa LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show ng ANC.

Si KC ay may mga katsikahan lang sa corridor ng Kapamilya network.

Derrick halos araw-araw kung ‘magsariling sikap’

Nagpaka-wild and free si Derrick Monasterio sa presscon ng Wild & Free ng Regal Entertainment nang tanungin sila ni Sanya Lopez kung paano sila “lumiligaya” samantalang wala silang karelasyon.

Si Sanya, sabi ay wala raw talaga, pero si Derrick, obvious na ang pagsasariling-sikap ang pakahulugan ng sagot niya tungkol doon at kung gaano raw kadalas, sinabi niyang halos araw-araw.

Nagtawanan na lang sa sagot na ‘yon ni Derrick.

Samantala, pagdating naman sa virginity, at 22 daw ay virgin pa ang sister ni Jak Roberto, at kahit nga grabe ang sex scenes nila ni Derrick sa Wild & Free ay trabaho lang naman daw ‘yon. Marami nga pala ang humuhulang magiging successful ang Wild & Free at baka ito raw ang magpauso sa sexy movies uli!

vuukle comment

SIGNAL ROCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with