^

Pang Movies

Bibig ng aktres ngiwing-ngiwi na sa kaka-droga!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ngiwing-ngiwi na ang bibig ng isang aktres dahil nalulong siya sa paggamit ng mga illegal na droga.

Ang mga nakakaharap ng aktres ang nahihirapan kapag kausap siya dahil parang hirap na hirap siya sa pagsasalita.

Nangangarap ang aktres na maging active uli sa showbiz pero mukhang mahihirapan siya hangga’t hindi bu­mabalik sa dati ang itsura niya.

Kung may dapat sisihin ang aktres sa nangyari sa mukha nito, ang sarili lamang niya, hindi ang mga tao na nagturo sa kanya na gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Eric tagumpay sa pagpapapayat

Marami ang nakapansin na pumayat si Eric Quizon sa mga eksena niya sa Victor Magtanggol.

Totoo na malaki ang nabawas sa timbang ni Eric na natutuwa dahil tagumpay siya sa pagpapapayat.

I am very sure, nakatulong sa pagpayat ni Eric ang regular na taping days nito para sa primetime telefantasya ni Alden Richards at ang paglalagare niya sa set ng One Great Love, ang pelikula nina Kim Chiu at Dennis Trillo na plano ng Regal Entertainment Inc. na isali sa 2018 Metro Manila Film Festival.

For a change, direktor si Eric ng One Great Love, hindi artista. Ang Kim-Dennis starrer ang second movie directorial job niya sa Regal Entertainment Inc. ngayong taon at follow up sa blockbuster film na My Two Mommies.

To quote Gladys Reyes, I am pretty….sure na masusundan pa ang mga project ni Eric sa Regal Entertainment Inc. dahil potential hit ang coming soon movie nina Kim at Dennis.

Iza busy na sa pag-aayos sa kasal

Malapit nang magsimula ang shooting ng reunion project ng original Sanggres ng Encantadia, sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri.

Maganda ang kuwento ng project na dapat matapos bago sumapit ang December dahil magiging busy na si Iza sa pag-aasikaso sa kasal nila ng kanyang fiancé na si Ben Wintle.

It’s a must na stress-free at relaxed na relaxed si Iza sa importanteng araw sa buhay nila ni Ben.

May narinig na ako sa ilang mga detalye tungkol sa December wedding ng dalawa pero ipapaubaya ko kina Ben at Iza ang pagkukuwento dahil sila naman ang ikakasal, hindi ako.

Basta happy ako para kay Iza dahil natagpuan na nito ang lalake na makakasama niya forever and ever.

Jenine palaban sa mga umaatake kay Janella

Natukoy na pala ni Jenine Desiderio ang tao na nagkakalat ng mga maling kuwento tungkol sa real score ng pakikipaghiwalay ng kanyang anak na si Janella Salvador kay Elmo Magalona.

A mother is a mother kaya palaban si Jenine na hindi natatakot na sagupain ang source ng smear campaign laban kay Janella.

Hindi natin masisisi kung maging palaban si Jenine na handang ipagtanggol ang kanyang anak. Malinaw na malinaw naman ang kanyang sinabi na “Let’s stick to the truth” dahil may mga nag-a-attempt na baguhin ang true story.

Eversince, black is black, gray is gray para kay Jenine na pinoprotektahan ang kanyang mga anak sa lahat ng panahon, lalo na si Janella na prone sa intriga at kontrobersya mula nang pumasok sa showbiz.

vuukle comment

ERIC QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with