^

Pang Movies

KC aminadong hiyang na hiyang sa Paris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC aminadong hiyang na hiyang sa Paris
KC Concepcion

Ang comment ni Lea Salonga kay KC Concepcion na “You seem so much prettier in Paris. Why kaya?” na sinagot ni KC ng “@msleasalonga Hahaha! I’m hiyang siguro… Hiyang na hiyang.”

Ang pinost kasi na picture ni KC ay ‘yung nasa isang supermarket siya sa Le Mans, France at pumipili ng kamatis at totoo namang mas maganda at blooming siya sa mga litrato niya sa France kahit nakikipaghabulan lang sa aso.

Isa rin si Lea sa nag-i-expect ng “a save the date in the mail” para sa wedding nina KC at Pierre-Emmnuel Plassart at mukhang doon na mapupunta ang relasyon nina KC at Pierre. Seryosohan na ito at parang sa  France na nga yata mag-i-stay most of her time si KC.

Nabanggit nito na three weeks lang siya rito sa bansa at umuwi lang para mapanood ang Sharon My 40 Years concert ng mom niyang si Sharon Cuneta sa September 28, sa Smart Araneta Coliseum. After the concert, balik-France na si KC and back in the arms of PEP.

Kambal nina Zoren at Carmina, pasok sa Studio 7

Ang musical-variety show ng GMA-7 na Studio 7 pala ang tinukoy ni Zoren Legaspi na show ng kambal nila ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy. Nang makausap namin si Zoren sa taping ng Kapag Nahati ang Puso, nabanggit na may gagawing show ang kambal at nagwu-workshop na sila.

Sabi ni Zoren, gusto nila ni Carmina na light muna ang gawing project nina Mavy at Cassy dahil hindi pa nila kaya mag-drama. Saka, nag-aaral din ang kambal at priority nila ang kanilang studies.

Janine rumesbak sa bintang na maarte

Between Andrea Torres and Janine Gutierrez na kasama ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, mas naba-bash si Janine. Considering na sa dalawa, si Janine ang may boyfriend na ibig sabihin, gustuhin man ni Alden, hindi niya puwedeng ligawan at kumbaga, safe maligawan ni Alden, si Janine pa rin ang naba-bash.

Tinawag na maarte ng isang fan si Janine dahil sa pinost na picture nang dumalo siya sa Preview Best Dressed na kung saan, nagmukhang Barbie Doll si Janine with her purple hair.

Ang sagot ni Janine sa “Eeewwww arte lang” comment ng basher ay “pag may time” na ikinatuwa ng supporters ni Janine. Sinagot man daw nito ang basher, hindi pa rin siya bumama sa level nito. Saka marami ang nagtanggol sa kanya.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with