^

Pang Movies

Walang selos kay Jolo...

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Walang selos kay Jolo...
Jolo

Taong 2007 pa nang huling gumawa ng pelikula ang panganay na anak nina former Sen. Bong Revilla at Lani Mercado na si ­Bryan Revilla via Resiklo kasama ang ama at ngayon lang ulit nasundan. This time, kasama naman niya ang mga kapatid niyang sina Jolo and Luigi Revilla, sa trilogy action film na Tres kung saan ay may kanya-kanya silang episode na tatlo.

Virgo ang title ng episode ni Bryan na idinirihe ni Richard Somes kasama sina Carla Humphries and Joey Marquez. Kahapon ay humarap na sa isang solo presscon ang comebacking actor.

Aminado naman si Bryan na talagang medyo nag-hesitate siya na bumalik sa pag-arte pero siyempre, hindi naman niya pwedeng hindi pagbigyan ang request ng ama nila na siyang may ideya na gawin ang Tres at makatulong para buhayin ang action film sa industry.

Kaya nga medyo kinalawang daw siya since more than 10 years siyang hindi uma­aarte. Kaya thankful siya sa kanyang direktor na siya raw talagang tumulong sa kanya para magawa nang maayos ang mga eksena.

When asked kung sino sa tingin niya ang pinakamagaling sa kanilang tatlo na pwedeng maging action star, ani Bryan, sabi raw ng nanay niyang si Lani Mercado siya raw ang pinakaguwapo nitong anak.

“Pero malamang sinasabi niya rin kay Jolo ‘yun,” nakatawa niyang sabi.

Pero siyempre, magkakaiba naman daw talaga silang tatlo at may kanya-kanya silang good points.

“We’re all good at something. Na kunyari ako, dito ako magaling sa reaction na ‘to, si Luigi dito, si Jolo dito. So, with us, three, you’ll have different flavors kung baga. Parang kape lang, parang 3 in 1,” sey ni Bryan.

Hindi ba siya na-insecure na may special participation ang mommy niya sa episode ni Jolo na 72 hours at sa episode niya ay wala?

“Alam ko namang mahal ako ng nanay ko,” sey niya sabay-tawa, “so those things don’t really matter.”

Nang madako ang usapan sa kanyang ama na apat na taon nang nakakulong, bilang panganay ay natanong kay Bryan kung ano ang naging effect sa kanya ng nangyari sa daddy niya at aminado siyang binago nito ang buong buhay niya.

Ikinalulungkot din niya na apat na taon na silang nade-deprive na magkaroon ng masayang fa­mily bonding sa labas. Like madalas daw noon ay nagdi-dinner sila sa labas o kaya ay sama-samang nanonood ng sine, pero ngayon daw ay hindi na nila magawa.

Tulad ni Jolo, sa darating na birthday ni Sen. Bong Sept. 25 ay freedom din ang kanyang wish para sa ama.

Samantala, showing na ang Tres sa October 3 nationwide realeased by Star Cinema.

3rd ToFarm Film Festival umpisa na

Pormal nang binuksan ang 3rd ToFarm Film Festival sa ginanap na opening ceremonies last Monday kasabay ang announcement ng cast na anim na finalists sa feature films.

Sa pelikulang 1957 ay bida ang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin.

Sa Alimuom naman ay bida sina Ina Feleo, Epy Quizon at Mon Confiado kasama sina Kiko Matos, Elora Espano, Dido dela Paz at Karl Medina, written, edited and directed by Keith Sicat.

Ang cast naman ng Kauyagan ay sina Jefferson Bringas, Perry Dizon at Bayang Barrios mula naman sa panulat at direksyon ni Julienne Ilagan.

Pinangungunahan naman ni Katrina Halili ang cast ng Mga Anak ng Kamote kasama sina Alex Medina, Carl Guevarra, Kiko Matos at Lui Manansala.

Si Pokwang naman ang bida sa pelikulang Sol Searching with Joey Marquez, JM Salvador, Gilleth Sandico at Jelson Bay, written and directed by Roman Perez, Jr.

Ang Japanese actor-director naman na si Miyuki Kamimura at Igorot actress na si Maribeth Fanglayan ang bida sa Tabanata’s Wife na based on the short story of the same title, by Sinai Hamada.

Magsisimula na ngayong Sept 12 ang 3rd ToFarm Film Festival at mapapanood ang mga pelikulang nabanggit sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt 1 and Gateway hanggang Sept. 18.

 

vuukle comment

JOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with