^

Pang Movies

Regine marami raw plano paglipat ng Kapamilya

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Regine marami raw plano paglipat ng Kapamilya
Regine

Kahit kalat na ang balitang lilisanin na ni Regine Velasquez-Alcasid ang GMA 7, tahimik lang naman siya tungkol doon at patuloy na napapanood pa rin na nagho-host ng The Clash every Saturday and Sunday at pati ng Sarap Diva tuwing Saturday morning.

Hindi raw mag-a-announce ng kahit na ano ang misis ni Ogie Alcasid habang hindi pa tapos ang finale night ng The Clash.

Magsasalita lang daw si Regine tungkol sa balitang ‘yon kapag natapos na ang nasabing singing competition show na iniho-host niya sa Siyete.

Kung paniniwalaan ko ang mga tsika, nag-last taping day na rin si Regine sa Sarap Diva.

Marami raw mga plano si Regine at nauunawaan daw ‘yon ng mga nakasama niya sa Kapuso network.

Janine inunahan nina Kris at Thea kay Rayver

Marami ang umaasa na kay Janine Gutierrez ipapareha ng GMA 7 si Rayver Cruz.

Pero mismong si Rayver na ang nagsabing ang una niyang project sa Kapuso network ay sina Kris Bernal at Thea Tolentino ang mga kapareha niya.

Sayang naman kasi kung ipapasok lang si Rayver sa Victor Magtanggol para magkasama sila ni Janine, eh, ang bida naman kasi roon ay si Alden Richards. Marami pa namang pagkakataon na magkapareha sina Rayver at Janine.

Puwede naman silang magtambal sa isa sa mga episode ng Magpakailanman o iba pang shows ng Siyete.

Gusto siyempre ng mga fan na magtambal kaagad sina Rayver at Janine dahil kahit naman hindi pa sila umaamin tungkol sa napapabalitang relasyon nilang dalawa ay obvious na obvious naman ‘yon, huh!

Ang pamilya nga ni Janine, sobrang lapit kay Rayver.

Patricia waging Mrs. Universe

Ginanap kagabi sa Resorts World Manila ang Mrs. Universe Philippines-Finest Woman beauty pageant coronation night.

Isa sa mga nag-judge kagabi ay si Ruffa Gutierrez. At isa sa contestants na matunog sa beauty pageant na ‘yon ay si Genesis Canlapan. Kilala sa showbiz si Genesis bilang si Patricia Javier.

By now, alam na natin kung si Patricia ang nanalo sa beauty pageant na ‘yon.

Amanda Page walang planong bumalik sa showbiz

Matagal na ring wala sa showbiz si Amanda Page. Sumikat na sexy star si Amanda noong 90’s at marami rin siyang pinagbidahang pelikula sa Viva Films.

Busy na ngayon sa Amerika si Amanda kung saan ay may business sila ng kanyang mister. May isa na silang anak.

Nasa Los Angeles, California ako ngayon at isa si Amanda sa mga iinterbyuhin ko.

Sabi ni Amanda, maraming mga taga-showbiz na nakasama niya ang bumibisita sa kanya sa California.

Sa ngayon, walang plano si Amanda na magbalik-showbiz.

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with