^

Pang Movies

Korina binira ng K-Pop fanatics

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Burado na sa Twitter ang kumalat na reply ni Korina Sanchez sa comment ng fan matapos itong mag-post tungkol sa panonood niya (Korina) ng sunud-sunod na K-pop concert na ginanap diumano dito sa Manila.

 

Marami kasing naloka na pino-promote pa ni Ms. Korina ang mga concert ng mga sikat na Korean group habang ang mga local artist natin ay hirap nang magpuno ng mga concert venue.

Ayon pa kay Ms. Korina, malaki ang naitulong ng mga Pinoy sa ekonomiya ng bansang Korea.

“The kids went gaga over Wanna One tonight and imagine P13,000 tickets and kids get their parents to spend for songs the lyrics of which hindi naman naiintidihan ng Pinoy!

“The phenom is worldwide. It’s the look, I think! All KPop concerts Ive been to are filled with screaming kids na nilalagnat! Basta, malaki ang contribution ng Pilipinas sa ekonomiya ng Korea,” sabi niya tungkol sa concert ng Wanna One days ago.

Dahil dun, kinuyog siya ng mga Pinoy K-Pop fana­tics.

As in nagsiklab ang inis ng loyalists kaya nang hana­pin uli namin ang post ni Ms. Korina waley na.

Kung sabagay, pati naman mga celebrity ay nababaliw na rin sa mga K-Pop. Na kung minsan ‘di mo rin ma-gets dahil hindi naman talaga maintidihan kung anong kinakanta nila. Hahaha.

‘Di mo tuloy alam kung maraming nakikiuso lang o kung ano bang pakiramdam ng makinig sa music na hindi mo alam ang ibig sabihin ng lyrics.

At least ang K drama ay may subtitle so maiintindhan kung anong sinasabi ng mga bida.

Aktibo si Ms. Korina sa social media kaya naman madalas siya ngayong nasasabit sa mga intriga.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with