^

Pang Movies

Kim sumugod na walang make up sa premiere ng Miss Granny!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kim sumugod na walang make up sa premiere ng Miss Granny!
Kim Chiu

Ngayon ang first day sa mga sinehan ng Miss Granny, ang drama comedy at fantasy movie na starring si Sarah Geronimo.

Co-stars ni Sarah sa Miss Granny sina James Reid, Xian Lim, Boboy Garovillo, Kim Molina, Marissa Delgado at Nova Villa.

Supportive girlfriends kina Xian at James sina Kim Chiu at Nadine Lustre. No makeup at all si Kim nang dumalo siya sa premiere night ng Miss Granny sa TriNoma Cinema.

Siyempre, tuwang-tuwa at touched na touched si Xian sa suporta na ibinigay sa kanya ni Kim. Ang Miss Granny ang unang pelikula ni Xian bilang contract star ng Viva Artists Agency kaya full support ang natanggap niya mula kay Kim.

Kahit magkaiba na ang mga talent management agency na namamahala sa kanilang mga career, open si Xian sa idea na magtambal uli sila ni Kim sa pelikula at teleserye.
Block screening usung-uso sa fans

May mga block screening na pinaplano ang fans nina Sarah, James at Xian bilang suporta sa pelikula ng tatlo.

Usung-uso ngayon ang mga block screening na malaking tulong sa mga movie producer at sa mga artista.

Sa kaso ng Miss Granny, sure ako na susuportahan ito ng moviegoers na excited nang mapanood uli si Sarah sa big screen.

Bonus na lang ang mga block screening na sponsored by ng fans na puring-puri ang Pinoy adaptation ng Miss Granny at ang pang-award na performance ni Sarah.

Lani kakanta ng libre para sa MPO

Hindi pala nagpabayad si Lani Misalucha para sa MPO Opus 20: Trailblazing Music Excellence, ang 20th Anniversary Concert ng Manila Philharmonic Orchestra sa September 1.

Imbes na maningil ng talent fee, naglambing na lang si Lani kay Maestro Rodel Colmenar na ibigay sa kanya ang mga areglo ng mga kakantahin niya sa concert na magaganap sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Si Rodel ang founder at musical director ng Manila Philharmonic Orchestra. Dahil friends sila, nag-yes kaagad si Rodel sa request ni Lani.

Performers din sa MPO 20th anniversary concert ang mga young singer ng musical theater na magpe-perform ng excerpts mula sa Annie. Ang mga George Canseco medley naman ang aawitin ng UST Singers.

Sa mga type na panoorin ang 20th anniversary concert ng MPO, available ang tickets sa TicketWorld Outlets at TicketWorld.com.ph o mag-inquire kayo sa landline 891-9999 o sa MPO office na may cellphone numbers 0917-5478787 at 0917-5762502.

Mother Lily may pa-bonus kay Vhong

Ang thanksgiving at victory party na ipinatawag kahapon ng Regal Entertainment Inc. ang solid evidence na certified blockbuster ang Unli Life, ang comedy movie nina Vhong Navarro at Winwyn Marquez.

Merienda time ang imbitasyon ng Regal dahil tinapos muna ni Vhong ang live show ng It’s Showtime bago siya nagpunta sa venue ng thanksgiving party, ang Valencia Events Place.

At dahil tagumpay sa takilya ang pelikula nila ni Winwyn, hindi surprising na makatanggap si Vhong ng bonus, courtesy of Mother Lily at masundan pa ang mga project niya sa Regal Entertainment Inc.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with