^

Pang Movies

Aktres na dating makinis, tadtad na ng butlig ang mukha

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang mag-consult sa dermatologist ang unsoli­cited advice ng fans sa aktres na hinahangaan nila.

Napansin ng fans na kailangan na ng aktres ang tulong ng mga skin doctor dahil hindi na maitago ng makapal na make up ang mga butlig sa mukha niya.

Makinis na makinis noon ang mukha ng aktres pero naging pabaya ito sa katawan kaya nawala ang “star aura” niya.

Naging magaspang na ang balat ng aktres na hindi na healthy ang lifestyle at hindi pa rin humihinto sa paninigarilyo.

Hindi dapat makalimutan ng aktres na obliga­syon ng mga artista na maging maganda at maayos ang physical appearance nila para sa kanilang mga tagahanga.

Sa totoo lang, nabawasan na nga ang bilang ng fans ng aktres. Nadismaya sila sa aktres dahil sa mga maling desisyon nito sa buhay at sa mga eskandalo na kinasasangkutan niya.

Buhay ng ibang artista walang binatbat sa biography ni Mother Lily

Excited na si Mother Lily Monteverde sa 80th birthday bash niya na magaganap sa Sabado.

Si Father Remy Monteverde at ang mga anak nila ni Mother ang mga host ng grand birthday ce­lebration na magaganap sa isang five-star hotel.

Imbitado sa 80th birthday party ni Mother ang kanyang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Nagkita kami ni Mother sa lobby ng Imperial Palace Suites dahil ininterbyu siya ni Papa Ricky Lo para sa Philippine Star.

As usual, maraming kuwento si Mother tungkol sa showbiz journey niya, pati na ang mga nakakaloka na anecdote tungkol sa kanyang personal na buhay na puwedeng gawin na pelikula na fantasy, comedy at drama ang tema.

Trend ngayon sa local showbiz ang mga artista na naglalabas ng biography book nila. Kapag si Mother ang nag-publish ng autobiography book niya, walang binatbat ang life story ng ibang mga sikat na artista dahil sa rami ng kanyang mga showbiz experience bilang star builder at producer ng Regal Entertainment Inc.

It’s Showtime all out ang suporta kay Vhong

Feel na feel ni Vhong Navarro ang pagmamahal sa kanya ng mga co-host niya sa It’s Showtime.

Kahapon ang opening day sa mga sinehan ng Unli Life, ang pelikula ni Vhong na kasali sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bilang suporta sa kanya at sa pelikula niya, nagsuot ng Unli Life t-shirts ang mga co-host ni Vhong sa It’s Showtime. Hinikayat din nila ang televiewers na panoorin at tangkilikin ang comedy movie ni Vhong na showing sa more than 100 cinemas nationwide.

Sarah na-amazed kay James

Ang Miss Granny stars na sina Sarah Geronimo at James Reid ang special guests kahapon sa opening number ng It’s Showtime.

Umapir ang dalawa sa noontime show ng ABS-CBN dahil nag-promote sila ng Miss Granny, ang pelikula ni Sarah na Filipino adaptation ng Korean blockbuster movie na Miss Granny din ang title.

Sinabi ni Sarah na amazed na amazed siya kay James dahil masarap ito na katrabaho. Si James ang gumaganap na apo ni Sarah sa Miss Granny at all praises din siya sa favorite singer-actress ko.

Hindi nagpatalo si Anne Curtis na nag-remind sa televiewers na sina Sarah at James ang mga special guest niya sa AnneKulit, ang kanyang 21st anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado, August 18.

Nagpasalamat si Anne kina Sarah at James dahil pumayag ang dalawa na mag-perform sa AnneKulit, kahit busy sa promo ng Miss Granny.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with