^

Pang Movies

TV host/actress/singer takot masingitan sa show

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Kung noon ay madalas mag-abroad si TV host/actress/singer at okey lang na mag-leave siya sa kanyang daily TV show dahil marami naman silang hosts doon, ngayon pala medyo kabado na rin siyang magpaalam para magbakasyon.

Actually, hindi na nga nag-a-absent pa sa show si TV host/actress/singer dahil nangangamba siya na baka bigla na lang siyang palitan sa show kung panay ang leave niya.

Sa show pa naman nila, basta may absent, may mga regular na rin na nagge-guest co-host.

Hindi naman kasi pinangarap ni TV host/actress/singer na mapalitan siya ng mga ‘yon, huh!

Ang hirap nga naman na mawalan ng regular TV show, ‘noh?!

Hindi nga raw gusto ni TV host/actress/singer na dahil sa paalam niya na magbabakasyon ay mawala na lang siya sa show.

Kaya kahit nga raw sa mga meeting na ipinapatawag ng staff ay sinisigurado niyang palagi siyang nandun.

Cherry Pie magtatayo uli ng bagong kainan

Sa finale presscon ng The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales na magla-last airing sa ABS-CBN ngayong Friday, natanong si Cherry Pie Picache tungkol sa pagsasara ng kanyang restaurant.

Ang unang branch ng restaurant ay sa may Quezon City at nagkaroon din sila sa McKinley Hill.

Sabi ni Cherry Pie, hindi naman kasi niya solo ang nasabing negosyo at may mga kasosyo siya at mukhang may mga naging problema sila na ang tanging solusyon ay ang magsara na lang sila.

Pero sa ngayon, pinaplano raw ni Cherry Pie ang magtayo uli ng restaurant, pero this time, solo na raw niya at hindi lang ang marketing ang tututukan niya.

Mas maganda nga raw kasi kung solo na lang niya para sa lahat ng bagay ay matutukan niya.

Sa ngayon nga pala, patapos na ang taping nila para sa The Blood Sisters at mananatili pa rin daw siya bilang isang Kapamilya.

May next show na nga raw siya, pero sasamahan daw muna niya sa abroad ang nagiisang anak na lalaki.

After nun ay saka pag-uusapan ang next show niya, kaya makakapagpahinga raw siya kahit paano.

Ang pagiging loyal ni Cherry Pie sa Dos ang dahilan kung bakit hindi siya nababakante ng matagal.

Puring-puri nga pala ni Cherrie Pie si Erich dahil ang galing-galing daw nito bilang artista at kahit tatlo ang characters na ginagampanan sa The Blood Sisters ay never daw nalito at aral na aral daw ang bawat character nito.

Isa pang pinuri ni Cherry Pie kay Erich ang hindi pagiging reklamadora dahil kahit apat na beses kinukunan ang isang eksena nila ay okey lang rito at parang hindi raw napapagod.

Mami-miss daw ni Cherry Pie si Erich ngayong magtatapos na ang programa.

Ows, talaga? Aktor feeling wasak nang kalasan ng beauty clinic owner

Hiwalay na raw ang isang aktor at ang isang karelasyong owner ng isang beauty clinic.

Tama ba ang narinig ko na hurting si aktor sa hiwalayan na ‘yon?

Ayon sa mga kaibigan ni aktor, sobra raw nitong minahal ang owner ng beauty clinic at mali ang duda ng iba na ginagamit lang ni aktor ang babaeng ‘yon.

May plano pa nga raw sana si aktor na pakasalan ang nasabing beauty clinic owner at hindi akalain na mauuwi lang sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Endorser nga rin pala si aktor ng nasabing beauty clinic, nangangahulugan ba na hindi na rin niya ipo-promote ‘yon ngayong balitang hiwalay na sila ng owner?

Well...

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with