^

Pang Movies

Alice inamin na ang tungkol sa pagiging misis, taga-Bora

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alice inamin na ang tungkol sa pagiging misis, taga-Bora
Alice Dixson

Inamin na nga ni Alice Dixson na residente siya ng Boracay kaya may karapatan siya sa kanyang solo picture habang nasa nasabing isla na under rehabilitation pa hanggang sa kasalukuyan ng pamahalaan.

Dahil kasi sa nasabing picture, nabunyag na nagpakasal na nga siya sa isang executive ng isang high end resort sa Bora kaya andun siya.

Kinuyog ang nasabing post niya sa social media. As in nakatanggap siya nang katakut-takot na bashing na aminado siyang hindi niya inasahan dahil natuwa lang naman daw talaga siya dahil nagso-solo siya dun kung saan siya nagpalipas ng kanyang katatapos na birthday.

 “Yes, I did post some pictures in Instagram because natuwa lang ako, because nobody was on the beach when I was there. And I know, never ‘yun mangyayari ulit sa buhay ko,” kuwento niya kahapon sa mga reporter sa presscon ng Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Joshua Garcia and Julia Barretto.

Pakiramdam ng aktres napakalaki ng ginawa niyang kasalanan na kung tutuusin nga ay wala naman pala.  

“I didn’t feel that I need to explain my personal life to the whole world, but now that it happened, alam na ninyo!” pagkukumpirma ng in demand actress na tatalon from Ang Probinsyano to Ngayon at Kailanman na magsisimula nang mapanood sa August 20 sa ABS-CBN Primetime.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with