^

Pang Movies

Alice napilitang umaming may asawa na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alice napilitang umaming may asawa na!
Alice Dixson
Instagram/Alice Dixson

Ayun naman pala, kasal na si Alice Dixson sa executive ng isang resort and spa sa Boracay kaya puwede siyang mag-chill sa nasabing isla na under rehabilitation hanggang sa kasalukuyan.

Walang may alam sa showbiz na nag-asawa na pala uli ang aktres pero pinahamak siya ng kanyang social media matapos ngang i-post na doon siya nag-birthday. Bawal pa nga naman doon pumasok kung wala kang proper access.

Residente na raw doon si Alice at mayroon itong kaukulang papeles kaya walang puwedeng mag-question sa kanyang paglalagi sa Bora.

Mocha pinagle-lecture sa senado

Siputin kaya ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson kung saka-sakali na pakinggan ni Sen. Kiko Pa­ngilinan ang suggestion ni Sen. Nancy Binay na imbitahin ito para mag-lecture sa kanilang mga senador kung ano ang magiging kampanya niya sa usapin ng federalism? Si Ms. Uson ang tinalagang ambassadress para ipaliwanag sa bayan kung ano ang pros and cons ng pagkakaroon ng federal form of government na isinusulong ng pamahalaan.

Ang saya-saya.

Manolo tinatarget sina Gabbi at Sanya

Pumirma ng kontrata ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si Manolo Pedrosa sa GMA Artist Center.

Ngayong isa na siyang pormal na Kapuso, hindi maitago ni Manolo ang kanyang excitement sa mga bagong oportunidad na naghihintay sa kanya pati na rin ma-meet ang mga kapwa Kapuso stars tulad nina Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

“I realized how much I really wanted to act and entertain people. I want to try my hand at rom-com and drama. And now that I am a Kapuso, I’m sure I’ll make a good comeback,” saad ni Manolo.

Sa kanyang unang proyekto sa telebisyon bilang isang Kapuso, isa si Manolo sa cast ng upcoming GMA series na Pamilya Roces.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with