^

Pang Movies

Goma inis sa hindi pagpapadala ng basketball team sa Asian Games

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma inis sa hindi pagpapadala ng basketball team sa Asian Games
Richard Gomez

Iginigiit ni Mayor Richard Gomez na siya ring chief of mission ng Pilipinas sa darating na 18th Asian Games sa buwang ito na dapat magpadala tayo ng isang basketball team dahil kung hindi, pagmumultahin tayo ng sampung libong dolyar. Bukod doon, masisira ang tradisyon ng basketball sa Pilipinas, dahil isa tayo sa kauna-unahang sumali noon nang itatag ito.

Kung babalikan nga naman ang kasaysayan, hindi lamang founding member ang Pilipinas, kung di tayo pa ang nagtulak na magtatag niyang Asian Games, dahil nagsimula nga ‘yan noong 1913 at ang unang palaro ay ginanap sa Manila Grounds, na ngayon ay kilala bilang Rizal Memorial Sports Complex. Ang naging head organizer ay si Governor General William Forbes na noon ay siya ring presidente ng Philippine Amateur Athletic Federation. Kaya dahil sa pagtanggi ng SBP na sumali sa basketball, sinisira rin natin ang isang sinimulang tradisyon.

Iyan namang pagtanggi ng SBP ay dahil sa suspension ng FIBA sa ilang players natin matapos silang makipagbugbugan sa team ng Australia. Pero mayroon namang ibang players na puwede.

“Magpapadala ba tayo ng team para manalo, o para makiisa sa laro? Para sa akin iyong participation ang mahalaga eh, kailangan buo ang Philippine team,” sabi pa ni Goma, na presidente rin ng Amateur Fencing Association.

Si Goma, bukod sa pagiging actor ay naging member ng apat na national teams, sa fencing, shooting, rowing at volleyball.

Masakit para kay Goma ang hindi buo ang Philippine Team na ipadadala natin sa Asian Games lalo na sa panahong siya pa naman ang chief of mission. Masama rin sa loob niya na dahil sumasali na tayo  sa games simula pa noon na siyang pinagmulan ng Asian Games noong 1913.

Alden ‘di pa nakakaungos

Tama ang feedback na nakuha namin mula sa isang kaibigan sa isang survey firm. Tinalo nga ng serye ni Coco Martin ang serye ni Alden Richards. Dinugtungan pa niyang ganoon din ang nangyari sa ikalawang gabi ng kanilang sagupaan.

Kung titingnan mo ang resulta ng AGB Nielsen, o iyong NUTAM survey, tinalo ni Coco si Alden. Kung ang titingnan mo ay ang survey ng Kantar Media, malayo ang serye ni Coco sa serye ni Alden.

Ang hula nila, “mahirap na talagang tibagin iyong serye ni Coco, maliban na lang kung siya na ang magsawa sa ginagawa niya.” Para naman nilang sinabing “walang himala”.

Indie films laging tinitipid

Iyong isang platitong pinakbet sa carinderia ay 70 pesos na. Iyong isang tasang kanin ay 25 pesos na, pero ang mga pelikulang indie, pinipilit na tapusin sa budget na tatlong milyong piso. Mayroon pa ngang tinatapos sa mas maliit pang budget. Sa ganyang sitwasyon, ano nga ang aasahan mo sa klase ng mga pelikulang iyan? May makukuha ba silang mga artistang may pangalan para kumita ang kanilang pelikula?

Mahirap talaga ang kalagayan ng mga ganyang pelikula sa ngayon. Aba eh mas malaki pa ang budget ng mga TV shows kaysa sa kanila. Kung titingnan ninyo ang mga serye, lalo na iyong gumagamit ng opticals, aba eh baka isang indie ang matapos sa budget lang ng isang episode ng serye.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with