^

Pang Movies

Heart Kapuso pa rin!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart Kapuso pa rin!
Heart

Nanatiling Kapuso artist si Heart Evangelista. Pumirma muli ng excusive contract ang Kapuso Sweetheart sa GMA Network kahapon.

 

Sa totoo lang, mula nang lumipat sa GMA, nanatiling loyal sa network si Heart hanggang sa nakapag-asawa na siya. Eh, hindi lang pag-aartista ngayon ang ginagalawan niyang daigdig dahil nagagamit din niya ang hilig niya sa pagpipinta at pagiging fashionista sa buong mundo.

Nadiskaril man ang pagkakaroon ng anak, hindi dahilan ang nangyari upang tumigil ang mundo niya’t magmukmok, huh! Sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti, napapanatili pa rin niya ang pagiging fighter, huh!

Jak umeksena sa birthday ni Barbie

May pa-birtday cake balloons at giant stuff toy na dala si Jak Roberto nang sorpreshin ang girlfriend na si Barbie Forteza sa taping ng Inday Will Always Love You.

Nagulat nga ang ibang cast na kasama sa tent ni Barbie nang umeksena sa pagbati si Jak, na nakuhanan ng video at pinost sa Instagram ng huli.

“Lakas maka first date eh Happy birthday @barbaraforteza,” caption ni Jak sa video.

“Eeeehhhh!!! Thank you sa pa-surprise! Sweet ka?! Happy birthday to me,” saad naman ni Barbie.

Beautiful ang tawag ni Jak kay Barbie na ang tawag kay Jak ay Mahal.

Nanay ni Marlo umaasa na lang sa himala

Si Miles Ocampo naman ang kalambingan ni Marlo Mortel sa Regal movie na kinabibilangan nila, ang One Great Love. After Janella Salvador na naka-loveteam nu’ng simula ni Marlo, ngayon lang siya muling mapapasabak sa lambingan sa isang young actress.

Nakitaan ni Roselle Monteverde ng chemistry sina Miles at Marlo kaya sila ang pinagtambal. Altough may ibang movies na nagawa, ngayon lang uli siya bumalik sa Regal after Mano Po 7.

Bukod sa pag-arte, nasentro rin si Marlo sa kanyang hosting at pagkanta. Pero hindi niya pinababayaan ang pag-aalaga sa inang may sakit. Kumusta na ang mother niya?

“Hindi po siya okay. Basta lumala nang lumala. Last year, lumala na siya kaya nagpa-benefit concert ako, diba? Grumabe pa kaya umaasa na lang kami ng miracle,” chika niya.

Happy naman siya’t patuloy na dumarating ang blessings sa kanya sa mga trabahong ibinibigay.

“Pero paano kang magiging fully happy kung hindi okay si Mama?” tanong-sagot ni Marlo.

 


 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with