^

Pang Movies

Alden at Coney masusubukan na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden at Coney masusubukan na
Coney Reyes at Alden Richards

Simula na ng pilot episode ng Victor Magtanggol ngayong Monday, July 30, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7, at sabi’y isang magandang eksena ang mapapanood sa newest action-drama-fantasy series ni Alden Richards.

Ito’y ang muling pagkikita nina Victor at ng inang matagal nang nawalay sa kanila ng kanyang family, si Vivienne, na ginagampanan ni Coney Reyes.

“Nang malaman ko pong iyon ang kukunan namin sa taping abroad, na-excite po ako, dahil si Ms. Coney ang turing ko na ay para kong ina, parang nakita ko sa kanya ang Mama ko,” sabi ni Alden. “At nalaman ko rin na ganoon ang turing sa akin ni Ms. Coney. Nag-usap po kami bago ang take at iyon po ang sinabi ko sa kanya, na parang siya ang mama ko. Ganun din pala ang turing niya sa akin, para na raw niya akong anak, kaya siya po ang nag-request sa akin kung pwede raw kaming mag-pray bago ang take. Kaya feeling ko po blessed ang eksenang iyon at mapapanood ninyo ito ngayong gabi.”

Isang OFW si Coney at iniwan nga niya ang kanyang pamilya at sa abroad, nagkaroon siya ng bagong pamilya. Matagal nang walang balita sina Victor sa ina kaya nagpasya siyang sundan kung nasaan siya para magtrabaho rin siya. Naging kaibigan niya ang curator ng museum na pinagtatrabahuhan niya, si Magni/Magnus (Miguel Faustman), isa sa anak ni Thor, at ito ang magbibigay ng Mjolnir, ang mahiwagang hammer sa kanya, dahil siya raw ang karapat-dapat na maging tagapagtanggol. At doon na magsisimula ang dalawang buhay ni Victor, bilang si Victor at si Hammerman.

Barbie may wish para sa kanila ni Jak

Kahapon, sa Sunday PinaSaya, big promo ng Victor Magtanggol at naging guests ni Alden ang mga kalaban niya sa Norse Mythology, sina John Estrada as Loki, at si Pancho Magno as Modi para sa segment ni Coach Cynthia.

Nag-guest naman si Barbie Forteza sa segment ni Alden na Chef Boy Next Door as Krissy at naglaban sila sa pagluluto. Pero nagtuloy na ito sa pagsi-celebrate ni Barbie ng kanyang 21st birthday at special guest naman niya ang boyfriend na si Jak Roberto. Tomorrow, July 31 ang birthday ni Barbie at ang wish niya mas tumagal pa ang relasyon nila ni Jak at mas tumagal pa ang Sunday PinaSaya na magsi-celebrate na ng 3rd anniversary ngayong August, 2018.  Mga promotor sina Ma­rian Rivera at AiAi delas Alas at itinulak si Jak para mahalikan si Barbie.

Bianca, Kyline at Pauline babu na

Finale week na simula ngayong Monday evening ng Kambal Karibal at tutok na ang mga netizens dahil gusto nilang malaman kung mananalo na si Crisan (Bianca Umali) sa kakambal niyang si Crisel (Kyline Alcantara/Pauline Mendoza) na nasa katawan ni Cheska. Obsessed na kasi sa pagmamahal kay Diego (Miguel Tanfelix) si Crisel at sa tulong ni black lady ay nagagawa niya ang gusto niya, kaya lamang ay lagi naman silang palpak, hindi sila nagtatagumpay.

Ang isa pang gustong malaman ng mga netizens, kung magtatagumpay ba si Raymond (Marvin Agustin) na muling agawin si Geraldine (Carmina Villarroel) kay Allan (Alfred Vargas).

Napapanood ang Kambal Karibal pagkatapos ng Victor Magtanggol.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

CONEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with