^

Pang Movies

Erik inulan ng good vibes kahit nawalan ng phone

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maligayang-maligaya ang direktor na si Erik Matti dahil bukod sa Graded A ng Cinema Evaluation Board ang BuyBust, positive ang reviews sa bagong pelikula niya nang ipalabas ito sa New York Asian Film Festival noong July 15.

“Just got home from a really fun closing night party of New York Asian Film Festival with Anne Curtis.

“Good reviews so far. And all I have to celebrate with is this dry toasty hard as brick McDo chicken sandwich that Mich ordered for me probably 4 hours ago.

“By the way, Mich Yama and I lost our phone too. But at least, our world premiere went well. And CEB rated us an A too.

“I hope this all leads to a really strong opening day on August 1. Wish us all the luck guys. Mwah

“It always feels good when the amount of hardwork and money put into the making of the film can be seen, heard and felt in the finished film.

“This is for all the staff and crew who worked hard on the film for years. To the cast who saw it through to the end. Congratulations  to everyone who were part of this film. But this is just the beginning for BuyBust. The test is on August 1 when we go in cinemas nationwide,” ang emote ni Erik.

Maxine idinahilan ang Diyos sa pakikipag-break sa BF

Si God ang ginamit na dahilan ni Maxine Medina sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang ex-dyowa na si Marx Topacio.

Ang sey ng former beauty queen, gusto niya na mag-focus kay God kaya nagbabu siya kay Marx na may pralala noon na plano na nila ni Maxine na magpakasal sa 2019.

Hindi nag-iisa si Marx dahil isa lamang siya sa maraming mhin na iniwan ng mga girlfriend na nagkaroon ng beauty queen crowns, kahit tanungin n’yo pa sina Miriam Quiambao, Janine Tugonon etc.

Mukha itinago pa pakikipag-tsugian ng aktor sa bading para magka-career, kalat na na

May tsismis na may video scandal ang isang aktor pero mahirap patunayan dahil ang katawan lang niya ang napapanood, wala ang kanyang mukha.

Bading ang katsugihan ng aktor sa video at ang bading ang sumusumpa na ang aktor ang kanyang partner in crime.

May image ang aktor na pumapatol sa bading para matupad ang mga ambisyon niya sa buhay.

Pero maingat at sigurista ang aktor na pumayag na kunan ng video ang pagtatampisaw sa kasalanan, kapalit ang fame and fortune, basta hindi masa-sight ang mukha niya.

Ysabelle Peach nakitaan ng potensyal

Malakas ang buhos ng ulan kahapon sa Metro Manila kaya kanselado ang pasok sa mga opisina at eskuwelahan.

Maaga rin na pinauwi ang mga empleyado ng mga television network para hindi sila ma-stranded sa baha.

Wish ko lang, maging mabuti na ngayon ang lagay ng panahon alang-alang sa Jacqueline Comes Home, ang unang movie project ni Ysabelle Peach, ang anak nina Donna Villa at Carlo Caparas na nangangarap na sundan ang yapak ng kanyang ama bilang direktor.

Ginanap ang red carpet premiere ng Jacqueline Comes Home sa SM Megamall Cinema noong Lunes.

Ang sabi ng mga nanood, may potensyal na ma­ging magaling na direktor si Ysabelle Peach, base sa mga eksena ng kanyang debut movie.

AJ looking forward sa forever nila ni Anna

May special participation sa Jacqueline Comes Home si AJ Muhlach na engaged na sa kanyang girlfriend na si Anna Mabasa.

Dumalo ang mag-dyowa sa premiere night ng pelikula at ang plano nila na pagpapakasal ang inusisa ng entertainment press.

Tatay ni AJ si Cheng Muhlach na sumakabilang-buhay noong May 2018.

Nabawasan ng miyembro ang Muhlach family dahil sa pagpanaw ni Cheng pero may pumalit naman, si Anna na pinili ni AJ na pakasalan at makasama, forever and ever.

vuukle comment

ERIK MATTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with