^

Pang Movies

Thea ayaw tantanan sa sex video

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Viral pa rin up until now ang issue about sa alleged scandal ni Thea Tolentino sa social media at hindi pa rin siya tinitigilan ng mga netizen kahit na dineny na niya ito kamakailan pero pilit pa rin siyang inuurirat na kesyo bakit hindi daw siya nag-iingat? May nabasa pa nga kaming comment na, kung hindi raw talaga siya ito, bakit daw kahawig na kahawig niya? Nakakaloka na talaga ang mga tao ngayon.

Sinagot naman ito agad ni Thea, “Di ko alam? Malayo naman e. Pakitingnan ng mabuti.” Jusme! Nagkalat talaga ang mga mema sa mundo. Yes, mayroon tayong freedom of speech but let’s not judge her. Hindi ibig sabihin na may kalayaan tayong magsalita e mananakit na tayo ng kapwa.

Ang pinagtataka lang namin, ayon sa aming source, matagal na daw kumakalat sa mga group chats ang nasabing scandal pero bakit ngayon lang nag-trending?

Mayor Dan active sa social media

Marami ang nagulat nitong nakaraang Lunes ng umaga nang makita ang kagalang-galang na si Mayor Dan Fernandez sa may bukana ng Golden City Subdivision, Brgy. Dila, Santa Rosa (Laguna) upang bisitahin at i-monitor ang lugar.

Matagal nang reklamo dito ng mga mamamayan ang madalas na pagbaha kahit hindi kalakasan ang ulan at ang baku-bakong kalsada. Kabi-kabila pa naman ang mga negosyo and stores like Ministop, Generika, Puregold, tapos mayroon ding mga vendors, Lotto outlet, at palengke, meaning matao talaga kaya naman malaking perwisyo sa lahat kapag nagbabaha dito.

Hindi kasi maayos ang drainage ng lugar kaya noong nakaraang nagbaha, inabot na halos na dalawang linggo bago tuluyang naalis ang tubig. Siguro napansin din nila na walang mga tanod na nagmamando ng trapik kaya malala ang traffic.

Naku, kung laging may naka-assign na traffic enforcer siguro mas maayos. Ang Baranggay Hall halos katapat lang ng entrance going to Golden City at si Kap. Jose “Peping” Cartaño ang Barangay Chairman.

Very active rin si Mayor sa Facebook, kamakailan lang nag-post siya sa kanyang Facebook page ng live video ng continuous clearing and monitoring sa Buena Perlas Subdivision at ang mga nagtatanong at humihingi ng tulong sa kanya e nirereplyan niya kaagad. Oh di ba? Grabe! Kaya hindi na nakapagtatakang pagkaguluhan siya ng mga tao, e ikaw ba naman makakita ka ng guwapong lalaki tapos paglapit mo, si Mayor Dan Fernandez pala.

Naku, kesehodang baha, at magka-leptospirosis ka baka magsilusong pa yung iba just to caught a glimpse of him at makapagpa-picture!

Finalists ng Miss Q&A, sa GGV naman nagpatalinuhan

Ang ganda ng episode ng Gandang Gabi Vice ng Kapamilya Network last Sunday. Ang guest ni Vice ay ang winners & naging contestants ng isang segment ng It’s Showtime na Miss Q&A na sila Elsa Droga, Odessa Jones, Gianna Castiglione Francisco, Benzen Galope de Verges, Lars Pacheco, Marigona Dragusha at ang Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia. Aba! Ang gagaling nilang sumagot. Very witty! Lahat sila may “K”! Puwedeng-puwede mo nang pakawalan sa entablado. Oh ‘di ba? Go lang, mga kafatid!

 

vuukle comment

THEA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with