^

Pang Movies

Aktres na lihim ang pagiging tomboyita, may karelasyong mas maganda pa sa kanya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Confirmed na tomboyita ang aktres pero maingat na maingat ito dahil hindi pa alam daw alam ng mga magulang niya ang kanyang lihim.

Ayokong maniwala sa pralala ng aktres dahil kung may higit na nakakakilala sa kanya, ito ay ang mga magulang niya. Puwedeng tahimik lang ang parents ng aktres dahil in denial sila or iginagalang nila ang desisyon ng kanilang anak.

Kilala rin ang girlfriend ng aktres pero sa ibang mundo nga lang, hindi sa showbiz. Actually, mas maganda kesa sa aktres ang babae na nagpapatibok sa puso niya at hindi ito mapagkakamalan na kapwa girls din ang type.

Bea hindi pa makahanap ng kapalit ni Jake

Malapit nang mapanood sa afternoon prime ng GMA 7 ang Kapag Nahati Ang Puso dahil masigasig na sina Bea Binene at Benjamin Alves sa pagpo-promote.

Karibal Ko ang Aking Ina, ang working title ng coming soon teleserye ng Kapuso Network pero napagdesisyunan ng management na mas akma ang pamagat na Kapag Nahati Ang Puso dahil si Bea ang kahati ni Sunshine Cruz sa puso ni Benjamin.

Sa tunay na buhay, impossible dream na ma-link si Benjamin kay Bea dahil going strong ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose. Tikom naman ang bibig ni Bea tungkol sa lovelife nito dahil wala pang napapabalita na kapalit sa puso niya ang ex-boyfriend na si Jake Vargas na matagal nang hiwalay kay Inah de Belen.

Mga kapalpakan sa PCOO, sabotahe?

Affected ako sa mga nangyayari sa Presidential Communications Operations Office na pinamumunuan ng aking favorite na si Secretary Martin Andanar dahil sa mga sunud-sunod na kapalpakan na nangyayari kaya hindi ko maiwasan na magduda na may sabotahe na nagaganap.

Hindi ko alam ang problema sa PCOO pero malapit sa puso ko si Papa Martin kaya nasasaktan ako sa mga bira sa tanggapan niya.

Okey lang na magkamali ng isa o dalawang beses pero kapag med­yo marami na, kailangan ka nang maging mahigpit sa pagpapatupad ng rules.

Ang mga pagkakamali ng PCOO sa pangalan ng mga tao, napakadali ng solusyon, tumawag lang sa office ng concerned personalities para malaman ang spelling na tama.

‘Yung ibang mga kapalpakan sa PCOO parang sabotahe at sinasadya na talaga. Parang may mga galit kay Papa Martin kaya pinababayaan na lumabas ang mga mali para siya ang maipit at mapagbuntunan ng sisi.

How sad, dahil isa si Papa Martin sa mga asset ng Duterte administration. Credible, honest journalist, at hindi kailangan ang isang goverment position to excel, dahil dati nang maningning ang pangalan niya.

Sana naman, mag-impose ng mas strict na rules sa loob ng opisina ni Papa Martin para hindi makalusot ang mga ganitong kapalpakan. Panagutin din ang dapat managot.

Kung ako man ang nasa lugar ni Senator Sherwin Gatchalian, maiinis ako dahil sa tagal na niya sa politics, tama ba na Winston ang itawag sa kanya? Grabe di ba?

Maghihinala ka talaga na may nananabotahe. Command responsibility ang isyu kaya nadadamay si Papa Martin sa mga tila sinasadya na pagkakamali ng mga empleyado sa PCOO.

Dapat nang maglagay si Papa Martin sa PCOO ng mga tao na mapagkakatiwalaan at may pagmamahal sa trabaho. It’s about time na kilalanin din niya ang mga gusto na sirain siya.

Ingat ka lang Papa Martin dahil sabi nga, maraming ahas sa palasyo kaya huwag kang papayag na matuklaw. Kailangan ka diyan sa posisyon mo.

vuukle comment

BEA BINENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with