^

Pang Movies

KC at Stephanie lilibutin ang Europe bago magpakasal

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
KC at Stephanie lilibutin ang Europe bago magpakasal
KC at Stephanie

From KZ Tandingan to KC Concepcion, mapunta naman tayo kay KC Montero.

Nakita ko kahapon sa isang coffee shop sa may Tomas Morato, Quezon City ang kapatid ni Troy Montero.

Kinumusta ko sila ng fiancé niyang si Stephanie Dods, ay okey na okey ang sagot ni KC.

Bale next year pa raw sila ikakasal dahil marami pa silang gustong gawin katulad ng plano nilang pagku-cruise sa Europe.

Pagkakasal daw kasi, gusto nila na magka-anak agad.

Kuwento ni KC, 41 years old na siya noong Sunday at 28 years old naman si Stephanie.

Actually, nagulat ako sa pambubuking ni KC sa kanyang age dahil parang mas bata siyang tingnan.

Tama ba na titira sila sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil nang manalo sa The Apartment, isang reality design competition, si Stephanie, ang isa sa mga premyo ay condominium unit sa lugar na ‘yon?

“No. We will sell the condo!” sabi ni KC at sa Pilipinas pa rin daw sila titira.

Marami kaming napagkuwentuhan ni KC lalo na ang tungkol sa pagta-travel at marami pa nga raw silang mga lugar na gustong mapuntahan ni Stephanie.

Katulad kasi ni Troy at ng misis nito na si Aubrey Miles, mahilig ding mag-travel sina KC at Stephanie.

Eugene busog sa kabibiyahe

Kadarating pa lang ni Eugene Domingo mula sa pagbabakasyon sa Europe kamakailan, pero bago pala ang birthday niya sa July 23 (she’s turning 47), bibiyahe na naman siya abroad.

Nag-a-advance ta­ping na nga ang comedienne/TV host para sa weekly comedy antho­logy niya sa GMA 7, ang Dear Uge.

Kahapon, nasa Timog area ang taping nila at guest si Dennis Trillo.

After ng taping nila kahapon, apat na advance episodes pa ang gagawin nila bago aalis na naman pa-abroad si Eugene.

Wala namang magiging problema sa Celebrity Bluff niya dahil nakapag-last taping na sila bago ang season break nila.

Bale papalitan muna ng The Clash na iho-host ni Regine Velasquez-Alcasid ngayong July ang Celebrity Bluff.

Martin proud tatay kay KZ

Isa si Martin Nievera sa maraming mga celebrity na nagpunta sa MOA Arena noong Friday para suportahan ang Supreme concert ni KZ Tandingan.

Anak-anakan ni Martin si KZ, kaya bago pa magsimula ang concert ng dalaga ay nasa dressing room na niya ang kanyang tatay-tatayan.

“Dad” nga ang madalas na itawag ni KZ sa Concert King.

Sobrang na-proud si Martin para sa malaking tagumpay ni KZ sa Supreme concert nito.

Samantala, nakita rin sa dressing room ni KZ si KC Concepcion na kaibigan din pala ng singer.

 

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with