^

Pang Movies

Dingdong nakitaan ng husay sa pagdidirek

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong nakitaan ng husay sa pagdidirek
DongYan

Hindi ako magtataka kung masundan ang mga directorial job ni Dingdong Dantes sa GMA 7 dahil pulido ang direksyon niya sa anniversary episode kahapon ng Tadhana, ang weekly drama anthology sa Kapuso Network ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Bukod sa maganda ang material, magaling na artista si Marian, marami nang karanasan si Dingdong sa paggawa ng pelikula at mga teleserye kaya impressive ang direksyon niya sa Sugat ni Inay episo­de ng Tadhana. Siyempre, inspired si Dingdong sa pagtatrabaho dahil ang love of his life ang star ng anniversary episode ng Tadhana.

Javier Bardem at Penelope Cruz hawig sa DongYan

Parang sina Javier Bardem at Penelope Cruz sina Dingdong at Marian.

Hindi si Javier ang direktor ng Loving Pablo Escobar pero siya naman ang producer ng pelikula na pinagbibidahan nila ng kanyang misis na si Penelope.

Pinupuri ng moviegoers ang Loving Pablo dahil maayos ang pagkakalahad sa life story ni Pablo Escobar, ang King of Cocaine ng Colombia na pinatay noong December 1993.

Notorious na drug lord si Escobar kaya sikat na sikat siya sa buong mundo. Ang popularity ni Escobar ang dahilan kaya pinipilahan ng mga Pinoy sa mga sinehan ang Loving Pablo na dinala sa Pilipinas ng Viva International.

Si Penelope ang leading lady ni Javier sa Lo­ving Pablo. Sa tunay na buhay, mag-asawa ang dalawa at alive na alive pa si Virginia Vallejo, ang Colombian broadcast journalist na ex-mistress ni Pablo. Si Penelope ang gumanap na Virginia sa Loving Pablo.

Perfect choice si Penelope dahil gaya niya, napakagandang babae ni Virginia. Sa true lang, mas maganda at malakas ang appeal ni Virginia kesa kay Penelope lalo na noong kabataan niya. Sixty nine years-old na ngayon si Virginia pero bagets-looking pa rin dahil alagang-alaga niya ang mukha at katawan.

Jolo at Rhian parang magkapatid ang tinginan

Hindi surprising ang pilit na pagli-link kina Jolo Revilla at Rhian Ramos dahil sila ang magkapareha sa 72 Hours ng Imus Productions na balak isali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 2018.

Single ngayon si Jolo dahil “hiwalay” na sila ni Jodi Sta. Maria kaya natsitsismis sila ni Rhian.

Ako mismo ang makapagsasabi na good friends lang sina Jolo at Rhian dahil in love na in love ang aktres sa kanyang boyfriend na si Jason Choachuy.

Hindi ang tipo ni Jolo ang magiging third party sa relasyon nina Rhian at Jason dahil mataas ang respeto niya sa kapwa.

Saka parang kapatid ang trato ni Jolo kay Rhian dahil sa pagdalaw nito sa kanyang tatay na si Bong Revilla, Jr. na detainee sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Nagkasama sina Bong at Rhian sa isang pelikula. Since then, naging good friends ang dalawa, kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad.

Na-appreciate ko nang husto ang pagbisita ni Rhian kay Bong kaya isa siya sa mga favorite personality ko sa showbiz, kahit hindi niya ako bigyan ng napakasarap na bottled tuyo na gawa ng kanyang ina.

Baste tinawag na Concert Prince

Bagay kay Baste ang title na Concert Prince dahil ang husay-husay niya sa kanyang concert kahapon sa Eat Bulaga, kasama ang Broadway Boys. Ang mga kasamahan ni Baste sa Eat Bulaga ang nagbigay sa kanya ng Concert Prince title.

Five years old pa lang si Baste pero may tono at maganda ang timbre ng singing voice niya. Ang mga tipo ni Baste ang magkakaroon ng singing career, kapag lumaki na siya at ipinagpatuloy ang showbiz journey niya.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with