^

Pang Movies

Drama actress sinusumpa ng mga nakatrabaho sa isang teleserye!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na pala makakaulit na lumabas sa isang teleserye ang drama actress na ito sa isang TV network dahil sa kanyang pagiging primadonna.

Ang director na mismo ng huling nilabasan na teleserye sa network ng drama actress ang nagsabi na hindi naging maganda ang experience nila rito. Kaya pag-iisipan daw nila ng ilang beses kung kukunin pa nila ito for a project.

Ayon sa direktor, masyado raw silang pinahirapan ng drama actress dahil sa demands nito. Pati raw ang ibang cast members ay apektado ng negative attitude ng drama actress kaya lahat ay parang ayaw na itong kasama sa trabaho.

Umabot pa raw sa punto na gusto nang ibahin ng writers ang takbo ng kuwento ng teleserye dahil gusto na nilang patayin ang character ng drama actress na may attitude na hindi kaaya-aya.

Ang management na raw ang nakipag-usap sa managing team ng drama actress na ayaw nilang i-tolerate ang attitude nito. Marami raw bagong artista ngayon at masuwerte raw ang drama actress na pinagbigyan nila ito kaya dapat lang na ito ang makisama.

Nalaman pa tuloy ng staff ng teleserye na ang management ni drama actress ang nakiusap na bigyan ito ng project dahil may financial crisis ito.

Gardo natakot nang mangako

Ngayong Father’s Day, hindi napigilan ni Gardo Versoza na maging emotional dahil sa pag-alala sa kanyang amang pumanaw na.

Inamin ng aktor na babaero ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito, pero sa pagkakakilala niya, hindi sila nito pinabayaan kahit na nambababae ito.

 “Ngayong tumanda na ako saka ko siya napagtanto na, ‘Ah ito pala ‘yon, ganito pala ‘yon.’ So hindi nagkaroon ng galit sa puso ko. I love you dad wherever you are,” diin pa ni Gardo.

Ang pinagsisisihan lang daw ni Gardo ay ang promise na hindi niya nagawa para sa kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Nag-promise kasi si Gardo na magkakaroon sila ng father-son bonding. Pero dahil naging busy si Gardo sa showbiz, hindi niya natupad ito.

Kaya natutunan na ng aktor na huwag magbitiw ng pangako kung hindi rin lang kayang mapanindigan.

“Everytime na gagawa ka ng promise dapat kaya mong panindigan.

“Hindi lang naman para sa pagiging isang ama, kahit sa work, kahit sa partner mo, never, never kang gagawa ng isang promise na hindi mo kayang panindigan,” pagtapos pa ni Gardo Versoza.

Komedyanteng si Roseanne Barr kumpirmadong racist

Kung may makakapagpatunay na isang racist ang komedyanteng si Roseanne Barr, ito ay walang iba kundi ang breakout star and comedienne ngayon na si Tiffany Haddish.

Ayon kay Haddish, hindi raw siya nagulat nang kanselahin ang show ni Roseanne ng NBC dahil tunay daw na racist ito at nagtataka siya kung bakit nila binigyan ng show ang tulad ni Roseanne.

Inamin ni Haddish na naging big fan siya ni Roseanne noon, pero noong ma-experience niya firsthand ang pagiging racist nito, hindi na niya ito pinapanood.

“I used to visit my friend Anna there, and it got to a point where I was calling the police officers by name.

“One day, we were walking around the neighborhood, and Anna says, ‘Oh, Roseanne lives there.’

“Now, I loved Roseanne, and the next day we walked by, and she was in her yard. I say, ‘Hiiii, Roseanne.’ She looks at me and she makes a disgusted face and ran in the house! I thought, ‘Maybe she don’t want to be bothered today.’

“A week later, we walk by again, and I told Anna — she’s Hispanic, but she looks white — she should say hi this time. So she says, ‘Hi, Roseanne,’ and Roseanne goes, ‘Hey!’ I thought, ‘Maybe she got to know us.’

“Then I go back, like, a week later, I wave again and say, ‘Hi, Roseanne! I love your comedy,’ and she makes the same disgusted face and turns her head.

“I think, ‘Fuck that bitch.’ That was 2000, maybe 2001, so it’s not new. She been racist, why’d you all give her a TV show?” pagtapos pa ni Haddish.

vuukle comment

FATHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with