^

Pang Movies

Diether may-ari na ng body and skin clinic!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Diether may-ari na ng body and skin clinic!
Diether

Si Diether Ocampo ang napapabalitang may-ari ngayon ng isang body and skin clinic na may branches na sa Quezon City at Taguig.

Sa edad niyang 40+ ay ‘di maikakailang malakas pa rin ang appeal nito.

Napanood siya kamakailan lang sa seryeng Bagani sa ABS-CBN, kung saan naroon din ang kanyang dating asawa na si Kristine Hermosa.

Si Kristine ngayon ay isa nang Mrs. Oyo Boy Sotto at ina sa apat nilang supling.

Si Diether ay isa na ngayong expert polo player, na-link rin siya kamakailan lang sa apo ng ultra rich businessman na si Danding Cojuangco.

MOR palalakasin pa, may music awards na rin

Nakakatuwa namang makilala ang DJ ng nangungunang FM radio station dito sa atin sa Metro Manila, ang MOR 101.9.

And guess what? Lahat sila ay fresh na fresh pa sa edad na 20’s, at lahat sila ay good-looking. Puwedeng-puwede mong isabak sa TV or sa big screen.

Pero ang nakakalungkot lang dito ay, iilan lang ang nakakakilala sa kanila. Mabibilang mo lang sa daliri.

Isa si Jai Ho sa mga DJ dito na dati ay fan lang din nila.

Lord Jireh Nepomuceno sa tunay na buhay itong si Jai Ho, madalas siyang ma-invite para mag-host ng mga presscons ng ABS-CBN at Star Cinema. Hindi lang yan, may sarili na rin siyang talkshow tungkol sa mga kaganapan sa showbiz sa Jeepney TV.

Sa kagustuhan ng MOR na makilala sila sa buong pilipinas, nagdesisyon silang mas palakasin pa ito.

Magkakaroon sila ng Annual MOR Pinoy Music Awards na magbibigay ng honor at recognition sa mga Pinoy artists at songwriters..

Magaganap ang MOR Pinoy Music Awards 2018 sa Araneta Coliseum on July 21.

Ex B nakapila na ang mga biyaya

Ang award-winning at TV and movie scriptwriter na si Mel del Rosario ang nakausap ng Viva Films na magsulat at gumawa ng istorya para sa unang pelikulang gagawin ng grupong Ex Battalion o Ex B na mina-manage ng komedyanteng si AiAi delas Alas na makakasama rin nila sa nasabing pelikula.

Ididirek naman ito ni Dado Lumibao.

Kahit na nakapirma si AiAi sa ibang kontrata, puwede pa rin siyang lumabas sa Viva Films.

Kasama rin si AiAi sa upcoming concert ng Ex B kung saan ang Viva Entertainment din ang magpo-produce.

Pagkatapos ng first single nilang Hayaan Mo Sila na pumatok noong 2017, malapit na rin nilang mai-release ang kanilang second single.

Lahat ng miyembro ng Ex B ay individual rappers lamang noon.

Sila ay sina Emcee Rhenn, King Badger, Skusta Clee, James Brando and Flow G.

Ang isa sa kanila ang nag-organized na bumuo na lang ng sariling grupo.

Daniel, sunud-sunuran kay Karla

Ang rason kaya aligaga si Karla Estrada sa pangangaral sa sikat na anak na si Daniel Padilla ay dahil takot siyang maranasan ng anak ang kanyang mga naranasan.

Apat ang naging anak niya sa iba’t ibang lalaki. And obvious na inibig niya ang mga ito. And posibleng vice versa.

Pero hindi siya ikinasal sa kahit isa sa mga ito.

One thing, though, about Karla, she is a good mother to her children. Kaya nga, madalas sabihin ni Daniel, na kanyang panganay: “I always listen to her.”

Personal…

Let’s join hands, Salve A., in greeting our celebrity fashion designer cum couturier-friend, Paul Cabral, happy birthday.

He turned a year older yesterday. (Happiest birthday Paul. - SVA) Happy birthday din sa assistant ni Chit (Ramos) na si Michelle Sotero, from her fellow kababayan in Ormoc, si Grace Amparo, at si Dang Tandel, na tubong Zamboanga City naman.

 

vuukle comment

DIETHER OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with