^

Pang Movies

Model-turned-actor ‘di makapagtrabaho, ‘di rin makatulog sa lumutang na sex video

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kabado ang baguhang model-turned-actor na ito dahil may nangba-blackmail sa kanya na netizen. Baka raw maapektuhan ang maganda pa naman na simula niya sa showbiz.

Ayon sa aming source, may kopya raw ang netizen ng video scandal ng model-actor. Full 10-minutes daw ang video kung saan exposed at nagpapaligaya si model-actor sa isang ka-video chat nito.

Parang two years ago pa raw ang video na iyon noong modelo pa lang ang aktor. Iba pa kasi ang buhok niya at hindi pa kalakihan ang katawan niya.

Na-confirm lang na siya ang nasa video nang biglang lumabas ang name niya sa video chat.

Hindi raw alam ng model-actor ang gusto ng netizen na nagba-blackmail sa kanya. Wala naman daw hinihingi pang pera sa kanya. Basta maghintay lang daw ito ng magiging mensahe niya.

Kaya si model-actor, bihira na munang lumabas sa TV. Hindi siya umo-oo sa mga guestings dahil natatakot daw ito na baka any moment ay mag-viral na lang ang video scandal niya.

Iniisip niya ang sasabihin ng conservative parents niya at baka mawala rin sa kanya ang endorsements niya.

May nag-advice sa model-actor na humingi na ng tulong sa mga awtoridad. Kaso nahihiya raw siya na i­sumbong na meron siyang video scandal at baka pagpistahan pa raw iyon ng media.

Kaya quiet lang daw muna si model-actor at hinihintay ang puwede niyang ipalit sa hindi pagkalat ng video scandal niya.

Kylie nase-sepanx kay Alas

Balik-alindog si Kylie Padilla dahil humahataw na ulit ito sa mga guestings sa GMA-7.

Nine months na kasi ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas, kaya puwede na raw niya itong iwan sa yaya nito para makapagtrabaho na siya or makapag-workout. Pero nakakaramdam naman daw ng Sepanx or Separation Anxiety si Kylie kapag hindi niya kasama si Alas.

“Kahit nasa kabilang kuwarto ako nami-miss ko siya, kahit sa bahay kami pinupuntahan ko siya tapos tinitingnan ko,” sey ni Kylie.

Malaki na raw ang nabawas sa timbang ni Kylie dahil na rin sa breast feeding at sa diet and exercise.

“Tuwing may free time, nagjo-jog ako then tinatanggal ko ang carbs. Nu’ng buntis ako everything I would eat, ngayon balik na sa dati na controlled na ‘yung pagkain,” diin pa niya,

Ngayon ay ready na raw na magtrabaho ulit si Kylie. Sisimulan daw muna niya sa mga guestings bago siya magsimula sa isang regular na teleserye.

Photo ni Meghan Markle sa gitna ng legs ni Prince Harry, bentang-benta

Lumabas na ang official wedding photographs ng Duke and Duchess of Sussex na sina Prince Harry and Meghan Markle.

Kinunan sila ni Alexi Lubomirski, ang protege ng pamosong photographer na si Mario Testino na paborito ng ina ni Harry na si Princess Diana.

Ayon kay Testino, ito na raw ang boldest and most intimate royal portraits ever released.

Ang pinaka-striking image ay ang nakaupo ang tumatawang si Meghan sa gitna ng mga legs ni Prince Harry habang nakangiti ito at tinitingnan ang kanyang bride.

Dadalhin nga raw ng Duchess of Sussex ang royal family sa panibagong direction, declaring she is proud to be a woman and a feminist.

At ang US-influenced and multi-cultural wedding ceremony nila with the gospel choir and Chicago preacher’s sermon was something conservative royals had never experienced before.

Kinunan ang wedding photos sa Frogmore House in Windsor.

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with