^

Pang Movies

Fans ni Ruru ang hilig mang-bash!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Katatapos lang ng taping ng Wagas na napapanood tuwing Sabado ng hapon sa GMA News TV kung saan sina Ruru Madrid at Kyline Alcantara ang magkatambal.

Hindi pa man natatapos ang araw ay may mga basher na si Kyline dahil sa pagtatambal na iyon. Wala talagang magawa itong mga haters na ito. Hindi nila alam na ang idolo nila ang naapektuhan. Trabaho lang ‘yun at walang kung ano man koneksyong meron sila.

Pangalawa, mga single ‘yan at sa trabaho sila naka-focus bilang mga artista na sinusunod ang utos ng network na nagpapasuweldo sa kanila. Kaloka kayo.

Ngayong may gagawing pelikula si Ruru na hindi pa namin alam kung sino makakatambal niya sana naman ay walang mambash sa kanila. Dapat matuwa kayo at nakikita pa ninyo ang iniidolo ninyo.

Paano kung walang trabaho iyang mga iyan?! ‘Di wala na kayong mababalitaan about sa kanila. Iniidolo nga ba o bashers lang?!

Paul binalikan ang pinanggalingan!

Aba balik GMA si Paul Salas. Pumirma na ng management contract si Paul Salas at masaya siyang magbalik bilang Kapuso. Isa si Paul sa mga produkto ng Starstruck Kids at ngayong mas malaki na ang pagkakataong magkita sila ng kasabayang sina Miguel Tanfelix at Bea Binene, excited siyang makatrabaho ang mga ito.

Balita pa niya, nagkita na rin sila ni Miguel sa isang concert at nagtsikahan. Kampante si Paul dahil mainit ang pag-welcome ng fellow Kapuso actor niya sa kanya.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with