^

Pang Movies

Barbie sinaklolohan ni Martin

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Barbie sinaklolohan ni Martin
Barbie Forteza

Sina Martin Nievera at Barbie Forteza sa 81 SeiHai Japanese fusion restaurant sa Timog Avenue, Quezon City kahapon.

Nagpa-picture si Martin kasama ang Inday Will Always Love You star.

Sabi ni Martin, “Who said ABS-CBN and GMA stars can’t be together?!”

Natuwa si Martin sa pagiging sweet ni Barbie. Natuwa naman si Barbie dahil sobrang bait sa kanya ng Concert King.

Nang paalis na si Barbie dahil may promotions pa siya for Inday Will Always Love You, hindi niya napansin ang daraanan niya, kaya natapilok siya.

Nang makita ni Martin ang nangyari kay Barbie, napatakbo siya at tinulungan ang young actress. Si Martin pa ang nagpakuha ng ice pack para mailagay sa paa ni Barbie.

Nahiya pa si Barbie nang si Martin pa ang magtaas ng paa niya para maipatong sa upuan.

Inasikaso rin ni Martin si Barbie hanggang lumiit na ang pamamaga ng paa ng young actress. Sobrang puri naman si Martin ng parents ni Barbie dahil sa pag-aasikaso sa kanilang anak!

O, ‘di ba, kahit magkaiba ng TV networks at sinasabing may TV networks war, hindi naman nagpapaapekto sina Martin at Barbie at dinamayan pa nga ng huli ang una!

Lorin at Venice ‘di namana ang kadaldalan ng ina

Sumama kay Ruffa Gutierrez ang mga anak na sina Lorin at Venice sa pa-birthday lunch sa akin sa 81 SeiHai.

Nagulat ang ibang mga bisita at teenagers na talaga ang dalawang anak ni Ruffa.

Noon, hindi masyadong sumasama sa mga showbiz event sina Lorin at Venice, pero ngayon, nagdyu-join na sila.

Pero unlike Ruffa, hindi madaldal sina Lorin at Venice, huh!

Nyoy at Jed nag-proxy kay Gary

Ang taping kahapon ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Sina Ogie Alcasid at Sharon Cuneta lang sa judges ang naroroon at wala pa si Gary Valenciano na inoperahan noong May 6 at hindi pa puwedeng makapagtrabaho.

Sa isang panayam, sinabi ni Gary na excited na siyang mag-work uli, pero hindi pa nga nangyari ‘yon kahapon dahil kailangan pa niyang magpahinga.

Ang dalawang mentors ng show na sina Nyoy Volante at Jed Madela na mga mentor sa show ang pumalit muna kay Gary bilang judges sa taping kahapon.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with