^

Pang Movies

Baguhang artista na anak ng general, ayaw mag-feeling

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ang dating GirlTrends member na si Riva Quenery ang masasabi talagang real gene­ral’s daughter, dahil ang kanyang tatay ay isa talagang heneral at ito ay Si Robert Quenery, na kasalukuyang Regional Director ng Philippine National Police (PNP).

Papano raw ba maging anak ng isang heneral? Waring wala namang pagkakaiba raw, ayon kay Riva. Basta ang alam daw niya, proud ang kanyang dad sa kanyang na-achieved so far, bilang isang entertainer at vlogger.

Well, considering nga naman na siya ay mag-20 pa lamang sa May 27, at bilang pa-birthday niya, magdadaos siya ng one-night concert on that day sa Skydome, titled RiVlog Live.

Special guest niya sa kanyang concert ay ang kanyang mga buddies in showbiz. Yes, such as Maris Racal, Awra Biguela and Hashtags head dan­cer, Zeus Cellina.

A production of Hermie Carreon, with Marvin Caldito directing. Ang kikitain niya daw sa kanyang concert ay ido-donate niya sa kanyang favorite charity organization, ang Tahanang Mapagkalinga, headed by Madre Rita.

Ciara ayaw nang marinig ang apelyido ng mister

Tawagin na lamang daw siyang Ciara Sotto, wala nang Oconer, na surname ng ama (Jojo Oconer) ng kanyang anak na si Crixus.

For two years now, ayon kay Ciara, nagse-celebrate siya ng Mother’s Day kasama ang kanyang anak sa mapapagitan ng pagpunta sa mga lugar na magpapasaya sa kanyang anak.

Ang pinakamasaya raw para kay Crixus ay sa tuwing dinadalaw nila ang Lola Helen (Gamboa) niya sa bahay nito sa White Plains in Quezon City.

Masarap magluto si Helen na paboritung-paborito naman ng kanyang apo.

Bilang nanay, masasabi raw ni Ciara na isa siyang hands-on mom, isang katangiang nakuha niya raw sa kanyang nanay na si Helen.

Come to think of it, wala kaming nababalitaang nali-link kay Ciara, taga-showbiz man o hindi, kahit pa tatlong taon nang officially hiwalay sila ni Jojo.

Loisa kapiling si Ronnie nung birthday

Nag-celebrate si Loisa Andalio noong April 21 ng kanyang 19th birthday kasama ang kanyang mga newfound friends in showbiz plus ang mga kababata niya at hanggang ngayon ay mga friends pa rin niya sa Parañaque City, kung saan siya lumaki.

Of course, dumating din si Ronnie Alonte na balitang boyfriend niya sa kasalukuyan.

Wala si Joshua Garcia na dati namang na-link sa kanya and former housemate niya sa Bahay ni Kuya in one season ng Pinoy Big Brother (PBB).

Okay kaya sila ni Joshua?

“Sa totoo lang,” maiiksing sagot ni Loisa. “We are friends kaya, we both did well with our respective roles in The Good Son.

“supposedly mag-on kami sa series, di ba?”

Itinanggi rin ni Loisa na may kasalukuyang ‘samaan ng loob’ na namamagitan sa kanila ni Julia, currently napapabalitang love of his life ni Joshua.

Ang alam lang daw ni Loisa ay may mga kuwento diumano si Julia na lumalabas sa social media against her. And vice versa.

Nagkausap na raw sila ni Julia at nagkaliwanagan. As much as possible daw, ayon kay Loisa, ayaw niyang ma-involved sa controversial na may kinalaman sa lalaki.

Well said, Loisa.

Personal…

Well, for those who care. From Almira M, one of the late Cheng Muhlach’s children, wake of our beloved Alvaro ‘Cheng’ Muhlach is until today (May 14 Monday) na lang at the Heritage Park chapels 1 & 2.

vuukle comment

MARVIN CALDITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with