^

Pang Movies

Kahit pa-promo lang James binati si Kris ng Mother’s Day

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kahit pa-promo lang James binati si Kris ng Mother�s Day
Kris

Sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw na ito, as early as yesterday ay may mga artista nang maagang bumati sa kani-kanilang ina sa pamamagitan ng social media account.

Isa sa pinakaunang bumati sa kanyang ina na nakita namin ay si BB Gandanghari. Nag-post siya ng dalawang larawan ni Mommy Eva Cariño then and now at sobrang nakaka-touch ang kanyang caption kung saan ay ipinahayag niya ang sobrang pagka-miss sa ina.

“Oh, how I adored this vision. The ever beautiful indeed Guessin’ thru my inquisitive years. If only I could be, as beautiful as she can be.”

“P.S. I’m praying to God almighty, Jehovah, that I get to feel the warmth of your embrace when we see each other again. ‘How many more full moons?,’ hopefully not too many. ‘Absence makes the heart grow fonder,’ I believe so, but ‘expectations delayed makes the heart grow weary too...’ I love you #Mama and I miss you ‘beyond’ so much,” ang caption ni BB.

Maging ang kapatid niyang si Robin ay ini-repost ang post na ito ni BB at parehong umani ng katakut-takot na likes.

As we all know, matagal-tagal na ring nakatira sa US si BB at mahirap talagang mawalay sa magulang kaya ramdam na ramdam mo ang pagkasabik niya sa kanyang ina.

Isa pang bumati kahapon ay si Xian Lim sa kanyang mama at lola.

“Sending my mom and lola an advanced happy mothers day!  to all the moms out there too! Thank you for loving and taking care of us! We will be forever grateful,” ang caption ni Xian sa larawan nilang tatlo ng mommy and lola niya.

Pa-promo naman ang pagbati ni James Yap sa kanyang vi-deo habang nasa clinic siya ni Cathy Valencia.

“Hello to all the mothers out there. Happy, happy Mother’s Day,” ang sabi ni James sa video.

At least, kasama sa mga binati niya si Kris Aquino, ‘di ba naman?

Paolo at Derek may chance sa isa’t isa

Hindi makakaila na ang ganda ng takbo ng career ngayon ng dalawang artists ng JLD Management na sina Paolo Ballesteros at Derek Ramsay na dalawa sa trusted and bankable lead actors we have right now.

Ang latest starrrer ni Paolo mula sa Regal Enter­tainment na My 2 Mommies,  ay humamig ng P5.5 M gross on it opening day.  Aside from the box office success, umani rin ang aktor ng magagandang reviews for his performance. Bentang-benta ang pagbibitiw niya ng nakakatawang linya at tagos  sa puso ang kanyang pagdadrama.

After M2M, ikinakasa na ang next movie ni Paolo na lalong magpapatingkad sa kanya bilang box-office attraction at magaling na aktor.

Si Derek naman, huli siyang napanood sa Metro Manila Film Festival na All of You kung saan tinanghal siyang Best Actor. And before that, tinangkilik ng moviegoers ang Regal movies niyang Love Is Blind at The Escort.

Ang latest film ng hunk actor ang love triangle drama na Kasal, ito ang opening salvo kaugnay ng 25th anniversary ng ABS-CBN Films at Star Cinema.

Higit na matindi ang handog ni Derek sa muli niyang pagbabalik sa film outfit sa role niyang nagpatingkad sa pagiging lead actor niya dahil makikipagtagisan siya sa pag-arte sa co-stars niyang sina Paulo Avelino at Bea Alonzo. Mula ito sa direksyon ni Ruel Bayani na mapapanood sa Mayo 16.

At dahil sa pagbongga ng movie career nina Paolo at Derek, may chance na magsama silang dalawa sa isang pelikulang lalong magpapatibay sa kanila bilang boxoffice actors.

vuukle comment

MOTHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with