^

Pang Movies

Misis ni Alfred maraming tinanggihang endorsement!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Misis ni Alfred maraming tinanggihang endorsement!
Yasmine

Artistahin ang misis ni Repersentative Alfred Vargas na si Yasmine, pero very proud ang actor/politician dahil kahit nakapag-workshop na ito noon at pipirma na nga ng contract sa isang talent management agency, mas pinili nito na mapa-ngasawa siya at maging ina na lang sa dalawa nilang anak na babae.

Priority nga ni Jasmine ang pamilya, pero lately, tumanggap ito ng isang endorsement deal sa isang beauty clinic.

“Bale may apat na nauna pang offers, pero tinanggihan ni Yasmine at itong pang-lima lang ang tinanggap niya,” sabi ni Alfred at inaming mala-stage husband siya nang mag-pictorial ang misis at siya mismo ang nagbitbit ng mga gamit nito.

Nang lumabas din ang billboards ng kanyang misis, inamin ni Alfred na pinuntahan niya ang locations ng mga ‘yon at kinunan niya ng pictures.

Very proud din si Alfred sa ganda ng kanyang misis.

Samantala, once a year ay pumupunta pala sila sa lugar nina Yasmine sa Italy dahil ‘yon daw ang pangako niya sa kanyang misis.

“Nag-iipon ako palagi, kaya nga dinadala ko ang pamilya ko sa Italy. ‘Yun ang pangako ko sa Misis ko, since ginive-up nga niya ang Italy for me, kaya sabi ko, hanggang kaya, dadalaw kami sa Italy once a year.

“Eh, last year, doon kami ikinasal, eh, tuwing vacation lang naman ng mga bata saka kami nakakapunta roon, kaya sa Amerika muna kami. Magku-cruise kasi kami. ‘Yung Disneyland cruise. Excited na nga ang mga anak namin,” pahayag pa ni Alfred.

Samantala, natuwa ang entertainment press sa naging pahayag ni Alfred na hinding-hindi niya puwedeng kalimutan ang utang na loob niya sa showbiz.

Kahit nga raw nasa mundo na siya ng pulitika, hinding-hindi niya tatalikuran ang showbiz dahil malaki ang nagawa nito para sa kanya.

Kapag nagretiro nga raw siya sa pulitika, magpu-fulltime uli siya sa showbiz at magdidirek na rin ng pelikula.

Malaki rin ang pasasalamat ni Alfred na na-extend na naman ang Kambal Karibal series nila sa GMA 7.

Alam daw niyang malakas talaga ang show nila dahil kahit saan siya magpunta ay tinatawag siya sa pangalan niya sa series na ‘yon o kaya naman ay, ‘Bebe ko’ na tawag sa kanya sa Kambal Karibal.

Naaliw nga pala kami sa dialogue ni Alfred na, “Mark my words, malayo ang mararating nina Bianca (Umali) at Kyline (Alcantara) sa showbiz! Ang galing nila!”

O, ‘di ba naman, talagang nag-dialogue pa Alfred ng Mark my words, huh! Ibig sabihin, ganoon siya kabilib sa dalawang bagets co-stars niya sa Kambal Karibal, ‘noh?!         

Isyu kay James mas pinag-usapan kesa sa pelikula ni Kris

So, ang JoshLia love team pala nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang makakasama ni Kris Aquino sa pagbabalik-Star Cinema niya, huh!

Mali nga ang unang napabalita na sa KathNiel movie siya makakasama.

Pumirma na nga ng contract si Kris para sa pelikulang ‘yon, pero ang mas napag-uusapan ngayon ay ‘yung paglalabas niya ng sama ng loob sa ex-husband na si James Yap dahil sa anak nilang si Bimby.

Siyempre, dahil sa post na ‘yon ni Kris, aba, mas natuon tuloy ang pansin ng karamihan sa bagay na ‘yon imbes na sa pagbabalik-Star Cinema niya na production company ng ABS-CBN, ‘noh?!

Sana hinayaan na lang daw ni Kris na ang tungkol muna sa pelikulang gagawin niya with JoshLia love team  ang pag-usapan at saka na siya nag-post ng mga sama niya ng loob kay James!

Anyway, buhay ni Kris ‘yan at mahirap makialam!

Samantala, ‘yung mga ka-close naman niya sa Kapamilya network ay tuwang-tuwa na may pelikula na naman siyang gagawin sa Star Cinema. Pero ang tanong ngayon – kasunod na kaya ng pelikulang ‘yon ay ang pagbabalik-telebisyon naman ni Kris sa Kapamilya network?

vuukle comment

YASMINE VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with