^

Pang Movies

Bb. Pilipinas na nganga sa Q&A, umingay ang pangalan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bb. Pilipinas na nganga sa Q&A, umingay ang pangalan!

Sandra

Kung marami ang nag-interview sa mga nanalo sa Bb. Pilipinas 2018 winners, in demand din sa mga reporter si Sandra Lemonon, ang kandidata na naging honest sa pagsagot na hindi niya napag-aralan ang build, build, build project question ng isang male judge. Ang tsismis na narinig ko, kinukum­binsi uli si Lemonon na sumali sa Bb.Pilipinas sa 2019 para ma-vindicate siya. Nagkaroon ng positive result ang pagpapakatotoo ni Lemonon dahil imbes na i-bash siya, pinuri ang honesty niya.

Maraming mga Pilipino ang nakisimpatiya sa kanya at nagsabi na hindi rin nila alam ang isa­sagot sa tanong na bill at hindi build ang pagkakarinig at pagkakaintindi ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2018. Ang suporta na natatanggap niya mula sa publiko ang puwedeng maging reason para i-consider ni Lemonon na sumali uli sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon.

Christopher hindi nagpalamon sa sistema ng showbiz

Belated happy birthday kay Christopher Roxas, ang loving husband ni Gladys Reyes na nag-celebrate kahapon ng birthday niya. Siyempre, ginanap ang birthday asalto para kay Christopher sa Estela, ang Spanish restaurant business nila ng kanyang mga kaibigan sa Brickroad, Sta. Lucia East Mall sa Cainta. Sa totoo lang, hobby na lang ni Christopher ang pag-aartista dahil may mga negosyo siya na pinagkakaabalahan, ang Estela at ang kanyang car buy and sell business. Masuwerte si Gladys kay Christopher dahil one-woman-man ito.

May girls na nagpapa-char­ming kay Christopher na guwapung-guwapo pero dedma sa mga indecent proposal dahil forever faithful siya kay Gladys at sa kanilang apat na anak. Lucky din naman si Christopher kay Gladys na homemaker, mapagmahal at maalaga sa kanyang asawa at mga anak. Kahit nagsimula na child actor sa showbiz, never na umasta si Christopher na star dahil mas gusto niya na low profile lamang siya. Maipagmamalaki ko na hindi nilamon si Christopher ng sistema ng showbiz.

Nang-eeklay para mapag-usapan mag-ex na celebrity scripted ang landian

Kalurky ang drama ng aktor at ng aktres na ex-lovers. May drama sila na nagkakamabutihan at posibleng magkabalikan pero eklay lamang ito para mapag-usapan sila. May mga artista talaga na gumagawa ng sariling isyu dahil sa kagustuhan nila na maging relevant pa rin sa showbiz, itsurang napaglipasan na sila ng panahon.

Sa tuwing nababasa ko ang mga scripted na drama ng aktor at aktres, tumataas talaga ang kilay ko dahil knows ko na sugapa lang sila sa mga free publicity at pinag­lalaruan lamang nila ang fans na naniniwala na magkakaroon ng Part 2 ang kanilang relasyon.

Alalay ni Alden, makikipag-aktingan kay bossing

Hindi na talaga maabot si Tenten Mendoza, ang personal assistant ni Alden Richards. Kung starring si Alden sa isang episode ng Lenten special ng Eat Bulaga na mapapanood sa susunod na linggo, may special participation din si Tenten sa episode na si Vic Sotto ang bida.

Nag-level up na ang career ni Tenten dahil si Bossing lang naman at hindi si Alden ang kasama niya sa mga eksena. Gay bestfriend ni Bossing ang role ni Tenten na kinabahan pero kinaya ang challenge na makipagtagisan siya ng acting sa asawa ni Pauleen Luna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with