^

Pang Movies

Resulta ng mga survey kuwestyonable!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talagang paminsan-minsan, may mga serye na masasabi mong suwerte. Noong simulan nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon ang kanilang serye mahigit na isang taon na ang nakararaan, hindi nila inakala na iyon ang magiging highest rating daytime show ng GMA 7. Sino ang mag-iisip na tatalunin pa nito ang all time day time leader na Eat Bulaga? Pero tinalo nila ang pre-programming nila. Isipin ninyo pinag-uusapan sina Alden Richards at Maine Mendoza, pero mas mataas ang ratings nina Gabby at Sunshine.

Lumalabas pa na ang huling segments ng Eat Bulaga ay mas mataas ang ratings kaysa sa kanilang opening segments, ibig sabihin, marami kasi ang lumilipat sa kanila habang inaabangan ang kasunod na serye nina Gabby at Sunshine. Hanggang sa huling araw ng serye, inilampaso pa noon sa ratings ang katapat nila. Nakakuha ang serye nina Sunshine at Gabby ng 10.4%, habang ang Showtime ay nasa 5.5 lamang sa NUTAM.

Pero teka, ano ba iyang sinasabi nilang NUTAM? Iyan ang Nationwide Urban Television Audience Measurement, isang suvey ng Nielsen Media Services. Bale iyan ay kapareho rin ng AGB Nielsen, iyong Audits of Great Britain at Neilsen Media Services. Iyan iyong karaniwang ginagamit ng maraming tv networks. Ginagamit din iyan ng ABS-CBN.

Pero noong minsan nga, kausap namin si Aaron Domingo ng ABS-CBN, ang sinasabi naman niya, may mga particular na survey area iyang NUTAM kung saan mahina ang signal ng ABS-CBN, kaya natural mas malakas ang kalaban, pero doon sa mga areas na parehong maganda ang signal nila, tinatalo nila ang kalaban. May mga area na mas maganda ang signal nila at inilalampaso naman nila ang kalaban.

In all fairness kay Aaron, ganoon naman ang tamang pagbasa ng survey. Hindi basta mataas ang audience share ay iyon na iyon. Kailangan isipin mo pa rin ang ibang given data sa survey. Eh kung minsan, hindi mo naman masisi ang ibang nasa entertainment press, kasi press release lang ang batayan nila eh. Hindi naman nila nasi­silip man lang ang survey report dahil confidential iyon. At saka masilip man nila, hindi naman sila nakakaintindi talaga ng “audience research” maliban na lang kung sila ay galing sa isang advertising agency, o kaya nagtrabaho sa isang network. May karanasan kami sa dalawang trabahong iyan kaya alam namin.

Iyong ABS-CBN naman, ang ginagamit niyan ay Kantar Media services. Nagsimula silang gamitin ang Kantar Media dahil sinasabi nilang may nakita silang irregularity sa survey ng AGB Nielsen ilang taon na ang nakararaan na humantong pa nga sa isang court case. Sinasabi rin nilang ang Kantar ay nagse-survey sa mas maraming household, hanggang sa mga pro­binsiya. Hindi rin totoo na ABS-CBN lang ang naniniwala sa Kantar, dahil sila rin ang survey firm na gina­gamit ng Radio Research Council at ng KBP dito sa ating bansa. Ibig sabihin, iyang Kantar ay may credibility talaga bilang isang survey firm. Isa ring international firm ang Kantar Media services. Pero wala kaming sinasabi kung alin ang mas credible sa dalawa. Pareho lang iyan sa amin.

Pero ganito ang gimmick eh. Inaalam kung saan ang survey area, at doon ay gumagawa ng ilang linggong promo ang isang show. Kakalat iyan sa mga tao ng area na iyon, kaya basta may nagtanong sa kanila na hindi nila kilala kung ano ang pinanonood na show, sasabihin nila iyon dahil baka manalo sila sa promo. Eh kaso ang nagtatanong na sa huli ay iyong nagsa-survey, panalo sila.

Sa promo, may nagbibigay ng baterya ng radyo. May nagbibigay ng radyo mismo. Magbibigay na ng groceries tapos ay pera na. Nangyayari iyan lalo na sa mga probinsiya at sa mga depressed area. May nagbibigay din ng TV at TV tuner.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with