^

Pang Movies

Sofia na-bully!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sofia na-bully!

Sofia

Biktima pala ng pambu-bully si Sofia Andres noong bata siya. Pag-alala pa ng aktres, wala siyang kalaro noon sa kanilang neighborhood. Kahit daw noong grade school, medyo ilag sa kanya ang mga kaklase.

Kaya in turn, ito rin daw ang naging attitude niya sa mga ito.

Ngayon lamang niya na-realize kung bakit. Bata palang kasi si Sofia ay lumalabas na siya sa commercial at child star na rin siya kaya siguro raw, ang iniisip ng kanyang mga kaklase ay snob siya, mahirap pakisamahan, at mahirap maging kaibigan.

Kaya hanggang ngayon, dalawang tao lamang ang iti­nu­turing niyang best friends, ang kanyang kapatid at pinsan. Her mom is her confidante. Sinasamahan siya nito sa lahat ng kanyang commitments mapa-professional man o private.

Samantala, ma­saya si Sofia dahil sa maganda niyang role sa prime­time series na Bagani na consi­dered bilang most ambitious and impressive na project na produce ng Star Creatives for ABS-CBN.

Ang tindi ng cast ng naturang serye. Hindi lang mga good-looking, tulad ni Sofia, ang mga kabataang artista dahil hinuhulaang magiging superstars ang mga ito in the future.

Sa mga ito, nagkaroon daw siya ng maraming kaibigan kabilang na rito ang pinakabida sa serye na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Nang matanong si Sofia kung more than friends na ba ang obserbasyon niya sa LizQuen, natatawang sagot ni So­fia: “Advice ko nga sa kanila na to be too sweet for comfort. At baka langgamin sila.”

Mabilis na dagdag pa ng aktres, “joke lang!”

Hahaha.

Elmo magso solo muna

Meanwhile, first time na gumawa ng project ni Elmo Magalona na wala ang kanyang favorite leading lady na si Janella Salvador.

Huli natin silang napanood sa pelikulang My Fairy Tail Love Story na ayon sa Regal Entertainment na nag-produce ng pelikula at sa director na si Perci Intalan, ay sobrang hit sa box-office.

Well, sa latest assignment ni Elmo na Walwal na directed by Jose Javier Reyes at produce ulit ng Regal, ang makakasama niya ay sina Jerome Ponce, Kiko Estrada, at Donny Pangilinan.

Gaya ni Elmo, showbiz child din si Donny. Ang kanyang pa­rents ay ang motivational speaker na si Anthony Pangilinan at ang ina naman niya ay si Maricel Laxa na dating aktres.

Si Elmo naman ay anak ng King of Rap na si Francis Magalona.

Wala pang ideya sina Elmo at Donny sa magi­ging leading ladies nila sa Walwal.

Direk Cathy sa ibang bansa na titira

From among the five films na ididirek ng maga­ling na box-office director na si Cathy Garcia Molina bago siya magretiro sa August 2019, ang isa raw sa isu-shoot niya ay tatampukan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Widow since 2009 na si Direk Cathy at gusto niya munang tutukan ang mga anak na may edad 12 at 11, respectively. May planong magpakasal muli ang director. Baka raw sa abroad na rin daw sila manirahan ng mga anak at ng mapapangasawa.

Kasalukuyang pinipilahan sa nearly 200 theaters ang hanggang ngayon ay showing movie ni Direk Cathy na My Perfect You na unang team-up nina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson.

Producer is Star Cinema where the current managing director is Direk Olive Lamasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with