^

Pang Movies

Imee Oro milyun-milyon ang natangay sa mga negosyante!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Imee Oro milyun-milyon ang natangay sa mga negosyante!

Imee at Gani

Invited ako sa post-birthday dinner ni Manay Gina de Venecia sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan noong Biyernes pero hindi ako nakarating dahil napagod ako sa meeting ko sa mga tao na niloko ni Imee Santiago Oro na nakapagpiyansa para sa kanyang patung-patong na estafa cases sa Bulacan kaya nakalabas ng kulungan.

Bukod sa mag-asawang negosyante na pinag­ka­ka­utangan niya ng P1.9 million, ni­loko rin ni Imee Santiago Oro ang isang Filipina-Chinese businesswoman na natangayan niya ng P3 million.

Kahit nakakapagpiyansa si Imee para sa temporary freedom niya, hindi magsasawa ang mga complainant na ipahuli siya hanggang tuluyang makulong at magdusa sa bilangguan ang girlfriend ng radio personality na si Gani Oro.

Alfred ginagamit ng radio host na si Gani Oro sa kanyang ambisyong maging kapitan!

Naloka ako sa rebelasyon ng mga complainant na kuma­kandidato si Gani sa isang barangay sa District V na nasasakupan ng alaga ko na si Congressman Alfred Vargas.

Nakakaloka ang kuwento ng mga complainant na ginagamit ni Gani sa mga poster nito ang litrato na magkasama sila ni Alfred.

Niloko na nga si Alfred ni Imee, ginagamit pa siya sa kampanya ni Gani! Nasaan ang hustisya???!!!

More than P300,000 ang nakulimbat ni Imee mula kay Alfred na nagtiwala sa kanya pero nagawa niyang linlangin.

Hindi ako umaasa na makakabayad pa si Imee kaya tigilan na nila ang panggagamit kay Alfred ‘no! Ayokong mag-dialogue na makonsyensya sana sila dahil para manloko ka ng maraming tao, wala kang konsensya kaya useless na makiusap sa kanila.

May mga tao na talagang makakapal ang mukha at naniniwala sa sariling kasinungalingan nila.

James at Nadine may swerte sa Holy Week

Excited ako sa magiging pagtanggap ng fans nina James Reid at Nadine Lustre sa Never Not Love You, ang first movie nila bilang mature actors.

Nasanay ang fans na napapanood ang JaDine sa romantic comedy movies kaya para sa kanila, bagong putahe ang Never Not Love You.

Dahil mag-dyowa sa tunay na buhay, hindi nahirapan sina James at Nadine sa kanilang mga romantic at love scene sa Never Not Love You.

Parang hindi sila umaarte dahil very comfortable sina James at Nadine sa isa’t isa kaya sure na kikiligin ang fans sa kanilang mga sizzling scene sa pelikula na showing sa mga sinehan sa Black Saturday.

Kung hindi ako nagkakamali, ipinalabas sa mga sinehan ang Diary ng Panget bago mag-Holy Week noong 2014.

Ang Diary ng Panget ang launching movie nina James at Nadine na super blockbuster kaya nagtagal sa mga sinehan.

Naniniwala ako na tatangkilikin ng moviegoers ang Never Not Love You dahil nag-mature na rin ang JaDine Fans at may hatid na suwerte kina Nadine at James ang Black Saturday playdate.

Co-star ng JaDine sa Diary ng Panget si Andre Paras na missed na missed nang gumawa ng pelikula pero imposible pa na mangyari dahil very tight ang schedule niya.

Naglalagare si Andre sa tatlong television shows ng GMA 7, ang Sherlock Jr., Sunday Pinasaya at Sirkus.

Literal na wala nang panahon si Andre sa sarili dahil itinutulog na lang niya ang mga oras at araw na wala siyang taping.

Two years ago pa ang last movie ni Andre, ang Girlfriend for Hire kaya wish niya na makagawa na siya ng pelikula na hindi yata posible na mangyari sa 2018 dahil sa kanyang left and right commitments.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with