^

Pang Movies

Marian nag-share ng kita flower shop sa mga batang may bingot!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian nag-share ng kita flower shop sa mga batang may bingot!

Marian

Muling dinaluhan ni Marian Rivera-Dantes ang operation ng mga batang may cleft lip at cleft palate. Bilang Goodwill Ambassador ng Smile Train, heto ang pahayag ni Kapuso Primetime Queen:

“Sa mga nakalipas na taon bilang Smile Train Goodwill Ambassador, nasaksihan ko ang pagbalik ng ngiti sa mga batang may cleft lip at cleft palate.  Kaya naman walang sawa akong sumusuporta sa advocacy ng Smile Train na pagbibigay ng libreng surgery. At ngayong malapit na ang first year anniversary ng online flower shop kong Flora Vida by Marian, nais kong maging mas meaningful ang celebration sa pamamagitan ng pagsi-share ng blessings sa Smile Train.  Salamat sa mga sumusuporta sa Flora Vida, malaking bahagi kayo sa pagbibigay ayuda sa mga batang tinutulungan ng Smile Train.  A smile is such a precious gift.  It can change lives. #YANangsmile #floravidabymarian #smiletrainph.”

Soon, balik-teleserye na muli si Marian, dahil uupuan na niya sa GMA Network ang bago niyang dramaserye na gagawin.  At mukhang mapapanood na rin si Marian sa isang pelikula dahil makikipag-meeting na raw siya kay Mother Lily Monteverde.

Kung hindi kami nagkakamali, may two movie contract pa si Marian sa Regal Films.

Ryza napaakyat sa bundok dahil sa stress

Nag-last taping day na si Ryza Cenon last week ng pagtatapos ng character niya bilang si Georgia sa top-rating afternoon prime series na Ika-6 Na Utos.  Puno ng tension ang mga huling eksena niya kaya naman stressed talaga si Ryza, kaya sinunod niya ang advice ng Viva Artist Agency na umakyat siya ng bundok kasama ang boyfriend na si Cholo Barretto

“Kapag stress ka iakyat mo ‘yan sa bundok, kapag nakatungtong ka na ng summit o ituktok dun ka makakahinga nang maluwag. Try nyo, mahirap pero masaya.”

Hanggang Sabado na lang ang Ika-6 Na Utos after Eat Bulaga, at masaya na rin si Ryza dahil makakahinga na rin siya sa mga bashers dahil sa character niya bilang si Georgia.  Nagpasalamat din siya sa mga netizens na nainindihan na role lamang ang ginagawa niya at hindi siya ganoong kasama sa personal.

Rhian type ang pagiging seksing police

Na-excite naman si Rhian Ramos nang magsimula na siyang mag-shooting sa isang episode ng pelikulang #72 ng Imus Productions kung saan makakatambal niya si Bacoor Vice-Governor Jolo Revilla.

Busy ngayon si Rhian shifting from the shooting of #72 bilang isang sexy policewoman at bilang ang seksing si Zoe sa primetime rom-com series na The One That Got Away gabi-gabi sa GMA 7 after ng Kambal Karibal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with