^

Pang Movies

Boyet napatawad na ang bumaril sa singit!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Boyet napatawad na ang bumaril sa singit!

 

Boyet

Nagsalita ng tapos si Christopher de Leon na hindi nito sasampahan ng kaso ang propman na may kinalaman sa freak accident na nangyari sa kanya sa last taping day niya para sa Kambal, Karibal.

Naniniwala si Boyet na aksidente ang nangyari kaya pinatawad niya agad ang propman na dumalaw sa kanya sa ospital para personal na humingi ng paumanhin.

Alam ko na guided and protected si Boyet ng holy spirit dahil mabuting tao siya.

Tinamaan si Boyet ng blank bullet sa kanyang singit pero maraming gun powder ang laman ng bala kaya nasugatan siya. Sinabi ng doktor na baka iba ang naging scenario kung lumampas sa singit ang tama ng bala.

Thank God, ligtas na si Boyet sa freak accident na naranasan niya na maging aral sana sa lahat para hindi na maulit.

Huwag nating hayaan na masundan pa ang nangyari kay Brandon Lee, ang anak ng legendary actor na si Bruce Lee na namatay sa set ng The Crow noong 1993.

Hindi nagkakalayo ang karanasan nina Brandon at Boyet pero masuwerte talaga ang alaga ko dahil nakaligtas siya.

Isa pang anak ni Mang Dolphy namatay na!

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Rolly Quizon na pumanaw kahapon sa Capitol Medical Cen­ter dahil sa stroke.

Isinugod si Rolly sa ospital noong March 9 nang mahilo at matumba siya sa isang supermarket.

Kinabukasan, sumailalim siya sa surgery para mawala ang blood clot. Hindi na nagkaroon ng malay si Rolly at kahapon, tuluyan na siya na binawian ng buhay.

Doble ang lungkot na nararamdaman ng Quizon family dahil ipinagluluksa pa nila ang pagpanaw ni Dino, ang half-bro­ther ni Rolly na namatay naman sa Amerika noong nakaraang linggo dahil sa heart enlargement.

Balak ng pamilya ni Dino na ipa-cremate ang labi nito at iuwi sa Pilipinas pero si Rolly naman ang pumanaw.

Hindi ko pa alam ang lugar na pagbuburulan ng bangkay ni Rolly dahil nag-uusap pa ang pamilya niya.

Si Rolly ang youngest son ni Mang Dolphy sa former actress na si Gracita Dominguez. Nag-artista rin noon si Rolly tulad ng kanyang mga kapatid na sina Sahlee, Edgar at Dolphy Jr.

Si Rolly ang itinuturing na matinee idol at heartthrob sa Quizon boys dahil siya ang pinakaguwapo sa magkakapatid.

Kambal… pinapa-extend ng fans

Shocked ang fans ng Kambal, Karibal dahil sa pralala ng GMA 7 noong Miyerkules na malapit nang matapos ang kanilang favorite primetime teleserye.

Nagpoprotesta ang fans na hindi matanggap na malapit nang mag-babu sa TV ang Kambal, Karibal dahil marami pa raw ang puwedeng gawin sa show na tinututukan nila gabi-gabi.

Ang bigyan ng extension ang Kambal, Karibal ang request ng fans sa GMA 7 management at hoping sila na mapagbibigyan ang kahili­ngan nila na hindi naman daw kalabisan.

Alden may bonggang launch sa bagong endorsement

May bagong product endorsement si Alden Ri­chards pero hindi ko pa puwedeng sabihin.

Basta ang alam ko, malapit nang magkaroon ng bonggang lunch ang new endorsement ni Alden na sure na tatangkilikin ng fans.

Actually, may nakita na ako na billboard tungkol sa produkto na ipino-promote ni Alden pero ayoko na manggaling sa akin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with