^

Pang Movies

Rep. Vi mas priority ang paggawa ng pelikula kesa sa divorce bill!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Rep. Vi mas priority ang paggawa ng pelikula kesa sa divorce bill!

Congresswoman Vilma Santos-Recto

May isa pang pinag-uusapan ngayon sa kongreso ang maaaring ika-tension ni Congresswoman Vilma Santos-Recto. Iyan ay ang divorce bill. Sa lumabas na survey recently, lumalabas na mahigit sa kalahati ang pabor sa divorce. Sumunod ang mga wala pang desisyon at sinasabing mas kaunti ang diretsahang tutol.

Kilala namin si Congresswoman Vi sa pagiging open minded, kaya ano nga kaya ang magiging stand niya basta iyan ay pinag-usapan na sa plenaryo?

“Kung mga isang taon pa, hindi pa mapag-uusapan iyan sa dami ng mga priority bill na nakahanay sa house, kaya hindi ko na muna iniisip iyan. Alam mo ginagawa ko lang simple ang trabaho ko. Basta ganyan, kinakausap ko ang staff kung ano ang opinion nila. Tapos doon mismo sa Lipa, iikot ako at magtatanong sa iba’t ibang sectors, dahil ang paniwala ko naman representative lang ako, at kung ano ang damdamin ng mga kababayan ko iyon lang ang dapat na nire-represent ko.

“Pero totoo, may tension. May mga lumapit na sa ­aking mga grupo na pabor diyan. Sinasabi pa nga nila, ako mismo nakipag-divorce. Nangyari naman iyon dahil sa US nga ako unang nagpakasal at ang naging asawa ko naman ay isang US citizen at that time. Hindi namin naging problema kahit na wala pang divorce law sa Pilipinas. Isa pa, hindi kasal sa simbahan iyon kagaya namin ni Senator Ralph Recto. Iyong kasal namin sa simbahan, kaya kahit na may divorce law pa, wala namang divorce ang simbahan.

“Hindi ko rin naman maitatanggi na ang Arsobispo ng Lipa, si Archbishop Garcera na siya ring chairman ng Commission on Family and Life ng CBCP ay mabilis na nagpalabas ng sulat laban sa divorce, at bilang arsobispo ng Lipa, may bearing iyan sa mga kababayan namin.

“Basta ako at saka ko na lang iisipin iyan kung nandiyan na. Mas iniisip ko pa ngayon kung kailan nga ulit ako gagawa ng pelikula,” sabi ni Ate Vi.

Pagluluksa sa showbiz sunud-sunod

Ano nga ba ang nangyayari sa showbusiness ngayon? Ngayon pa lang dadalhin sa huling hantungan ang actor na si Bernardo Bernardo, at ang asawa ng batikang actor at director na si Leroy Salvador na si Ate Bella. Noong nakaraang linggo, may balita ring ang isa pang anak ni Mang Dolphy na si Dino ay inatake rin at namatay sa US.

Ngayon narito na naman ang isang balita na na-stroke ang isa pang anak ni Mang Dolphy, ang dating actor na si Rolly Quizon habang nasa isang supermarket, at ngayon ay nasa ICU ng isang ospital.

Kaya nga ang usapan, ano nga ba ang nangyayari sa industriya ng pelikula?

Sinasabing bagsak pa rin ang industriya dahil mas maraming mga pelikulang hindi kumikita. Halos sunud-sunod na pumanaw ang mabubuting tao, at ngayon mayroon na namang isang na-stroke.

Hindi kaya dapat mag-isip na tayo kung bakit nangyayari ang ganyan sa atin?                         

Beauty queen na mag-aartista, likas daw ang pagiging antipatika!

Takot na takot daw ang security men sa isang pageant dahil alam nilang marami ang inis at gustong saktan ang isang beauty queen. Iyan ang hirap talaga basta ang isang tao ay antipatiko ang dating. Lalo na kung mag-aartista nga iyan.

Patay na ang career niyan hindi pa man nagsisimula. Kasi antipatika daw talaga eh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with