^

Pang Movies

Ex Battalion si AiAi na ang manager!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ex Battalion si AiAi na ang manager!

Ex Battalion at AiAi delas Alas

Nagpatulong kay AiAi delas Alas ang ilan sa members ng online sensation rap group na Ex Battalion sa mga kontratang pumapasok sa kanila pagdating sa pagbibigay ng presyo kaya nagdesisyon ang Comedy Queen na tulungan sila.

Si AiAi na ang official manager ng Ex B (tawag din sa kanila) at nu’ng Linggo ay pumirma na sila ng two-year management contract.

“Bukod sa pumapasok na pera, gusto ko silang mag-level up to mainstream dahil minsan lang naman dumating sa buhay ng tao ito eh. Kumbaga destiny nilang mapasok sa mainstream at gusto ko, maging maganda ang pagpasok nila and gusto ko, marami akong plano for them na ma-level up sa mundo ng showbiz,” pahayag ni AiAi.

Natuwa ang Comedy Queen nang tanggapin ng Ex B ang request niyang magkaroon ng collaboration sa kanya para sa kantang Walang Pinipili.

“Kahit hindi masyadong sumikat ang kanta ko, at least, kasama ko sila! Ha! Ha! Ha! Doon na tayo sa totoo! Wag na tayong umarte! Ha! Ha! Ha! Diyos ko, sa 30(M) niyo, isang milyon lang sa akin!” saad pa niya.

“Thankful po kami. Sobrang grateful po. Hindi ko rin po inaasahan,” tugon ni Mark.

“Saka sa ilang years na namin, ngayon lang kami nagkaroon ng manager,” saad naman ng isa pang member ng Ex B.

“Sobrang takot kami sa ganyan na may magma-manage sa amin. Feeling namin, lolokohin kami,” sey naman ni John.

Itinatanim palagi ni AiAi sa members na maging professional sa trabaho.

“Be professional. Pag nakakita sila ng senior stars, always say good evening, good afternoon, po, opo, wag mawawala ‘yon. Always be humble, always pray and be thankful sa suwerteng dumating sa buhay ninyo. Minsan lang dumating sa buhay ng tao ang ganyan.

“After Salbakuta, sila ang sumunod na rapper na nakapasok sa mainstream and this is a great blessing from God na nakapasok sila sa mainstream,” paliwanag niya.

Bale 13 silang members ng Ex B. Nagtatrabaho naman ‘yung iba kaya ‘yung anim muna ang pinapirma ni AiAi. “Kami ang frontliners,” sey nila.

Pinayuhan din ni Ai ang grupo pagdating sa lovelife. “Pag nagkaroon na sila ng problema sa pag-ibig, itong pagkakataon na binigay sa kanila, grabe. Kasi ang pag-ibig nakakapaghintay ‘yan. Love can wait.

“Pero minsan lang dumating sa isang tao ang suwerte kaya mahalin nila at strike while the iron is hot!” diin ni AiAi.

Bilang panimula ng pag-aalaga sa Ex Battalion, isang major concert ang prinodyus ni AiAi sa April 27 para sa kanila na gagawin sa Ynares Gym sa Antipolo City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with