^

Pang Movies

Vice Ganda suko na sa bashers!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice Ganda suko na sa bashers!

Vice Ganda

Thankful si Vice Ganda na no. 2 siya sa list ng Most Influential People on Social Media na inilabas ng Metro Style kama­kailan kung saan ay si Anne Curtis naman ang nanguna.

Si Vice Ganda ay may 14.4-M followers sa Facebook, 5.8-M sa Instagram, at 10.6-M sa Twitter.

Pero ayon sa host ng It’s Showtime, may kasama ring responsibilidad ang pagiging influential person sa social media. Alam niyang hindi siya dapat mag-instill ng negativity sa million followers niya at dapat ay puro positive lang.

“Ginagamit ko ‘yung social media ko para pakalmahin sila at punuin lang ng positivity ‘yung kung anumang nababasa nila sa feeds ko. Hindi ako naglalagay ng anything negative,” sey niya sa interview sa TV Patrol.

Dedma na raw siya ngayon sa mga bashers dahil wala naman daw magandang naidudulot din.

“Dati, pumapatol din ako, eh. Pero hindi rin naman ako. . .parang sabi ko, wala rin namang magandang naidulot sa akin, kaya huwag na lang,” sey niya.

Sa mga latest post nga ni Vice Ganda, kapansin-pansin na puro good vibes ito, either nagbibigay siya ng payo or nagpapatawa siya or nagbibigay ng inspirasyon sa kapwa.

KZ wala nang oras sa bf

Very thankful si KZ Tandingan na very supportive at napaka-understanding ng boyfriend niyang si TJ Monteverde na isang singer-songwriter from Cagayan de Oro.

Aminado si KC na mahirap ang sitwasyon nila ngayon dahil lagi nga siyang nasa China because of Singer 2018 kung saan isa siya sa contestant.

“Although palagi kaming magkausap pero hindi nga tuluy-tuloy kasi mahirap ang Internet du’n sa China since very exclusive sila. Wala silang Facebook, walang Instagram, walang anything,” sey ni KZ.

“Napi-feel ko na siguro, dahil sa work, nagiging unfair ako sa kanya na hindi ko siya mabigyan ng time na he deserves. Pero ‘yun nga, I’m just really thankful na I was blessed with a man na very understanding sa kung ano ang inire-require ng trabaho ko at inire-require ng dream ko,” she said.

Makikita rin naman talaga kung gaano ka-proud si TJ kay KZ sa performances nito sa China sa mga post niya sa kanyang social media account.

Post niya sa hu­ling performance ng GF, “Kung performer ka, kahit anong kanta, perfor­mer ka” and shared the link of KZ’s video performing a rock song, Real Gone by Sheryl Crow.

Papalit kina Donna, Regine, at Mikee, pinasisikat

May bagong singers na pinasisikat ngayon ang Viva at ito ay sina Aubrey Caraan, Janine Tenoso, and Carlyn Ocampo na sinugalan talaga nilang bigyan ng musical drama series sa Viva TV ng Cignal Cable.

Nagsimula na kagabi (March 10) ang pilot episode ng One Song and positibo naman ang mga taga-Viva na hahangaan ng mga manonood ang tatlo nilang discoveries.

Sina Aubrey at Carlyn ay dalawa sa limang members of electric all female sing and dance group, ang Pop Girls. Habang si Janine naman ay naging grand finalist sa TV5’s Born to be a Star two years ago.

Ang One Song ay tungkol sa magkakaibigan sharing the same passion for music and working together to attain stardom. Parang tulad ito ng Do-Re-Mi na produced din ng Viva Films na pinagbidahan nina Regine Velasquez, Mikee Cojuangco, and Donna Cruz.

Kasama rin sa One Song sina Candy Pa­­ngi­linan, Katya Santos, Christopher ­Ro­xas, Andrew Muhlach, Gab Lagman, Cliff Hogan with special participation by Roselle Nava mula sa direksyon ni Digo Ricio.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with