^

Pang Movies

Sofia mas pinili raw lumandi kesa makipag-picture

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sofia mas pinili raw lumandi kesa makipag-picture

Sofia Andres

Sa gitna ng kabi-kabilang reklamo tungkol sa attitude problem ni Sofia Andres, maging ang SBMA board member and Chairman of the Audit and Risk Committee na si Benny Antiporda na dati ring presidente ng National Press Club (NPC) ay naglabas din ng kanyang personal experience tungkol sa umano’y pagiging “bastos” ng young actress.

Sa kanyang Facebook post, tinawag ni Sir Benny si Sofia na “habitual bastos” at ikinuwento ang pangyayari sa Baguio kung saan ay inisnab nito ang 10-year-old daughter niya na nagre-request lang magpa-picture with her.

“Bastos talaga itong babaeng ito and I can attest to that, binastos din niyan ang anak ko sa SM Baguio. At that time, asungot pa lang siya sa teleserye ni Liza Soberano.

“Nag-uumpisa pa lang siya noon, bastos na, ngayon pa kaya?

“My daughter was 10 yrs old at that time. Requesting for a picture with her, with a high tone and rude manner she said ‘Nagmamadali ako.’ After a brief walk in SM nakita lang namin sila ng lalakeng kasama nya na naglalambingan and that’s it.

“Imagine 10 yrs old!!!” ang post ni Mr. Antiporda sa FB.

Isa lamang ito sa mga nagrereklamo sa ugali ni Sofia. Maging ang mga entertainment press and blogger ay may kanya-kanya ring mga hindi magandang karanasan sa young actress.

May kwentong habang iniinterbyu raw ay text nang text. May nagsabi namang minsan, sa kalagitnaan ng interbyu ay biglang may kausap sa phone. Madalas din daw ay wala itong kagana-ganang sumagot sa mga questions sa kanya.

Humingi na ng paumanhin si Sofia sa kanyang IG Story tungkol sa kanyang behavior na ito at paliwanag niya, ito ay dahil sa insecurities niya, fear of rejection at kawalan ng self-confidence.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with