^

Pang Movies

Dating beauty queen na si Valerie Weigmann nanggulat!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dating beauty queen na si Valerie Weigmann nanggulat!

Valerie Weigmann

Matagal na nawala sa eksena ang 2014 Miss World Philippines na si Valerie Weigmann. Pero biglang bumulaga ang mga sexy photo niya sa social media habang nagbabakasyon ito sa bansang Sri Lanka.

Summer is here na nga for Valerie kaya hindi siya nagpaawat na mag-post ng sexy pics sa kanyang Instagram account.

Nagtampisaw sa tubig, buhanginan, at araw ng Unawatuna Beach si Valerie.

Ang ibang pics pa ni Valerie ay ang pamamasyal niya sa Pinnawala kung saan naroon ang mga magagandang bulaklak, at sa Maha Oya River kung saan pinapanood niyang maligo ang mga elepante.

Sinubukan din ni Valerie na magbisikleta sa Polonnaruwa at akyatin ang 2,200 steps ng Sigiriya Summit.

Former Pinoy Big Brother housemate si Valerie at napapanood ito noon sa Eat Bulaga bago ito naging isang beauty queen.

Pagkatapos na ipasa ni Valerie ang kanyang korona bilang Miss World Philippines, saglit lang ito naging aktibo sa showbiz at nag-concentrate ito sa kanyang restaurant business na Bamm, isang German-Turkish restaurant sa Makati City.

Neil utang na loob kay Direk Maryo ang pagbibida

Malaki ang tinatanaw na utang na loob ng bagong Kapuso leading man na Neil Ryan Sese sa pumanaw na direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Bukod sa pagiging manager niya ito, para na raw pangalawang tatay ni Neil si Direk Maryo na concern sa showbiz career niya.

Huling pag-uusap daw nila ng yumaong direktor ang tungkol sa teleserye na Ang Forever Ko’y Ikaw. Pinagsabihan pa raw siya na magpaguwapo at magpa-macho para sa role niya bilang si Lance na isang separated dad.

“I owe this to Direk Maryo na naging mentor ko, naging kaibigan at naging pangalawang ama ko na rito sa showbiz.

“Kung hindi sa pangangalaga niya, siguro baka hanggang teatro na lang ako at paggawa ng mga indie film.

“Dahil sa kanya, kahit paano ay nakilala ako sa mga teleserye and hopefully, matuwa sila sa akin sa feel-good teleserye namin ni Camille Prats,” sey pa ni Neil Ryan Sese.

Jennifer Lawrence atat nang makita sa kulungan si Harvey Weinstein!

Hindi napigilan na mag-outburst ang Oscar winner na si Jennifer Lawrence laban sa disgraced studio executive na si Harvey Weinstein.

Sa sit-down interview ni Jennifer sa 60 Minutes ng CBS, nagsalita na siya tungkol sa mga allegations kay Weinstein.

“What he did was criminal and deplorable and when it came out and I heard about it, I wanted to kill him!

“The way that he destroyed so many women’s lives. I want to see him in jail!” sey pa ni Jennifer.

Nagamit pa raw si Jennifer at ang aktres na si Meryl Streep ng lawyers ni Weinstein na makakapag-defend daw sa character ni Weinstein.

Hindi nagustuhan ni Streep ang paggamit sa kanya ng legal team ni Weinstein kaya naglabas ito ng kanyang response sa “pathetic” at “exploitative” na statement from Weinstein’s lawyers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with