^

Pang Movies

Elizabeth nami-miss na ang panggagamot

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Elizabeth nami-miss na ang panggagamot

Elizabeth

Ongoing pa rin ang primetime series ng GMA 7 na Impostora kung saan isa sa main character si Elizabeth Oropesa sa role ng nanay ni Nympha, ang mabait na si Kris Bernal na siyang title role sa nasabing serye.

Bukod sa papel na ina ni Nympha na si Aling Denang, may mga show pa si Elizabeth. Malaki rin ang pasasalamat niya sa GMA network dahil hindi siya nawawalan ng pagkakakitaan. Pero ang regret niya ay napapabayaan na niya ang kanyang medical profession.

May klinika si Beth na isang certified doctor. Baka raw ‘pag natapos na ang Impostora ay balik na siya sa panggagamot para mabigyan ng atensyon ang kanyang mga pasyente na hindi siya iniiwan kahit mga assistant lang ang nasa klinika niya.

Alden hindi na puwedeng maglakad na walang kasama

Super big wow pala ang nakaraang birthday celebration ni Alden Richards sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna. Marami ang dumalo kahit malala ang trapik sa Balibago, Pulo, Cabuyao, Sta. Cruz sa paligid ng nasabing amusement park.

Call time sa lugar ay 8:00 a.m. pero 6 a.m. pa lang ay dagsa na ang fans na galing sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ibang-iba na si Alden ngayon, some years ago ay puwede pa siyang maglakad nang mag-isa. Pero hindi na ngayon, overwhelmed siya sa rami ng fans na nangkakagulo sa kanya. Naiiyak pa nga ito kapag nakikita ang mga tagahanga.

God bless you at Happy Birthday Alden.

Young female personality laging nababasa ang panty ‘pag nakikita si Enchong Dee!

Lagi raw wet ang panty ng isang young female personality kapag nakikita si Enchong Dee dahil sa pagnanasa nito. Sabagay, natural lang ‘yan sa mga bagets. Pero sobra naman ang pagpipigil ng kilig na nararamdaman ng young female personality dahil naiihi sa salawal! Sobra naman yata ‘yun!

Baste hindi lalangawin ang concert

Nakakabilib naman si Baeby Baste, ang little big star ng noontime show na Eat Bulaga. Ang galing niya kasing kumanta at may timing bukod sa tama sa tono at nakakabuwelo.

Puwede na siyang mag-solo concert sa Araneta at MOA at maging sa iba pang malalaking lugar.

Hindi siya nakakahiya at tiyak na dadagsain ng mga tao.

Grabe ka Baste!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with