^

Pang Movies

Trapik mas malala ngayong Christmas 2017!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Pinakagrabeng Paskong ma­trapik ang 2017. Eh sa Lunes, December 25 na ang Araw ng Pasko pero nitong mga nagdaang araw ay bumper to bumper na ang mga sasakyan mapa-kotse, jeep, taxi, bus, trak, motor at kung anu-ano pa. And take note ha, ang mga expressway tulad ng SLEX at NLEX na malalawak ang kalsada ay may trapik din. Halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan. ‘Yang SLEX na ‘yan, daanan ng mga galing sa Laguna, Batangas, at mga bus na galing sa Katagalugan.

Ngayon ko lang naranasan na halos sa kalsada na ako nakababad sa loob ng bus going to Manila and Quezon City at pauwi sa amin sa Laguna. Grabe!

Anyway, Merry Christmas to all!

Walong pelikula sa MMFF 2017 lahat inaabangan

Eight movies po ang kalahok sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) na magkakaroon ng Parade of Stars ngayong hapon. Magsisimula ito sa Muntinlupa Sports Center, Tunasan sa ganap na ika-2 ng hapon at magtatapos sa Filinvest City Event Grounds sa Alabang.

Ang lahat ng pelikula ay magsisimulang mapanood sa araw mismo ng Pasko. Kaya agahan n’yo para marami ang mapanood na pelikulang siguradong magpapasaya ng inyong Christmas.

Ang dami pa namang kaperahan ng mga bagets dahil sa napa­maskuhan sa mga ninong, ninang, lolo, lola, at iba pang kamag-anak.

Ang mga pagpipiliang pelikulang kalahok sa taong ito ay ang All of You na balik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; Deadma Walking nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa; Haunted Forest nina Jane Oineza, Maris Racal, Jameson Blake, at Jon Lucas; Ang Larawan nina Rachel Alejandro, Joanna Ampil, at Paulo Avelino; Meant To Beh na balik-tambalan din nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta; Ang Panday ni Coco Martin; Siargao nina Erich Gonza­les, Jericho Rosales, at Jasmine Curtis Smith; at Gandarrapiddo: The Revenger Squad nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtz­bach.

I’m sure lahat ng walong kalahok ay may kanya-kanyang dating sa mga manonood at tiyak na papalo ang mga ito sa takilya. Dahil basta December, inaaba­ngan ang Metro Manila Film Festival na sinimulan sa panahon ni Manila Mayor Antonio Villegas bilang Manila Film Festival na ipinagpatuloy naman ng mga mayor na humalili sa kanya. Ang pinakahuli nga at current ay si Mayor Joseph Estrada.

Maligayang Pasko at Masayang Buhay mga Kapatid, Kapuso, Kapamilya, Kapitbahay, Ka-friendship, at pati na rin sa kaaway!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with