^

Pang Movies

Actress depressed na naman, naunsyami ang mga raket!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muli na namang na-depress ang aktres na ito dahil ang mga dapat na nasimulan niyang projects ay hindi natutuloy.

May gagawin dapat siyang indie film, pero nag-backout ang isang producer sa project dahil hindi nito nakasundo ang ibang producers kaya natengga ito.

May romantic-comedy movie rin dapat siyang gagawin pero biglang pina-hold dahil ang hu­ling ginawang movie ng direktor nito ay nag-flop. Alinlangan ang producer na magsugal sa project dahil magkasunod na flop ang ginawa ng kinuha nilang direktor.

Ipapasok sana sa isang mala­king teleserye ang aktres at excited na ito sa kanyang first taping day pero two days bago ang taping niya, sinabihan na siya na hindi na kasama dahil ibang aktres ang kinuha ng network na request daw ng bida ng nasabing teleserye.

Kaya muling bumalik ang depression ng aktres dahil lahat na lang ng mga nakaplano sa kanya ay hindi natutuloy.

Ayaw niyang isipin na baka signs ito na dapat maghanap na siya ng ibang career dahil ilang taon na nga siya sa showbiz, pero mabibilang sa kanyang mga daliri ang mga projects na ginawa niya.

Maxine nabawi ang IG account

Naging biktima ng online hacking si Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina.

Na-hack ang Instagram account ni Maxine noong nakaraang April 26 at sobrang nalungkot ito dahil puno pa naman daw ang account niyang iyon ng kanyang precious memories ng kanyang pamilya, boyfriend, travels, at noong nakaraang Miss Universe na ginanap sa Manila.

Dahil hindi na raw ma-retrieve ni Maxine ang kanyang Instagram account, napilitan na itong gumawa ng bagong account.

Sa bagong account niya sa IG, nag-post siya ng isang photo kunsaan nagbabakasyon siya sa beach.

“Oh, well. This can calm me down and no one can stop me,” caption pa niya.

Pero pagkatapos ng ilang oras ay nagawang ma-retrieve ang kanyang Instagram account kaya muling nabuhayan ng loob si Maxine.

Dahil sa pagbalik ng kanyang IG account, nag-post pa ng mas mara­ming summer photos si Maxine bilang pasasalamat sa kanyang mga follower na tumulong na makuha ulit ang kanyang IG account.

Gwen Stefani itinakbo sa ospital!

Hindi natuloy ang scheduled performance ni Gwen Stefani sa Keep Memory Alive 21st Annual Power of Love Gala in Las Vegas dahil kinaila­ngan siyang dalhin sa ospital.

Itinakbo ang The Voice mentor sa Cedars Sinai Hospital in Los Angeles pagkatapos mag-suffer ng ruptured eardrum sanhi ng kanyang flight to Las Vegas.

Sinabihan na siya ng kanyang doktor na huwag muna siyang sasakay ng anumang flight dahil sa kalagayan nito.

Nagpadala si Gwen ng isang short apology video dahil sa nangyari at gusto niyang ipagpatuloy ang pag-raise ng funds para sa Keep Memory Alive charity para makahanap ng cure for memory and movement disorders.

Ang Oscar winner na si Jennifer Hudson ang pumalit kay Gwen bilang performer noong gabing iyon.

vuukle comment

GWEN STEFANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with