^

Pang Movies

Jericho hindi na dapat balikan ang pagkanta!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kahit na noon pa mang una, kinikilala nang isa sa pinakamahuhusay na actor natin iyang si Jericho Rosales. In fact, isa siya sa sinasabing kasunod na henerasyon ng mga actor pagkatapos nina Richard Gomez at Aga Muhlach noon. Pero may nakadiskubre na marunong pala siyang kumanta, at aywan naman kung bakit mas nag-concentrate siya bilang isang singer kaysa actor.

Siguro nga dahil newly discovered talent niya iyon, at naniniwala ang mga nagpapatakbo ng kanyang career na doon ibuhos ang kanilang panahon. After all bilang isang actor, wala na nga kailangang patunayan si Jericho. Parang naghihintay na lang siya ng pagkakataon.

Iyon na nga ang naging pagkakamali, masyado siyang nag-concentrate bilang singer, at halos nakalimutan na niya ang pagiging isang actor. Hindi naman siguro masasabing nasayang ang kanyang panahon dahil doon, pero sa halip na mas umusad ang career niya, nalampasan pa siya noong ibang mga kasunod niya.

Pero ganoon talaga ang suwerte. Baka nga suwer­te lang naman talaga ang iba. Pero mabuti naman at hindi siya nawawalan ng project kahit papaano. Bihira mo nga siyang mapanood sa mga pelikula ngayon, pero ganoon naman talaga lahat eh.

Ngayon, bida siya sa Luck at First Sight kung saan leading lady niya si Bela Padilla. Naniniwala si Jericho na maganda ang kanilang ginawang pelikula, medyo comedy iyon at sa palagay niya ay kikita.

Kung mangyayari nga ang ganoon, mas magi­ging matibay ang career ni Jericho at marami ang nagsasabi na sana naman ay mas harapin niya ang kanyang acting career.   

Male personality baklang-bakla na

Talagang nagtatatalak daw ang isang male personality na ang sabi, “ano ang masama kung kumakain sa isang restaurant?”

Sumagot naman daw ang kaharap, “walang masamang kumain sa restaurant. Ang masama kung nagbababad ka sa isang restaurant na may kasamang lalaki, lalo na at alam nilang bakla ka”.

Hindi na nakasagot ang male personality.

vuukle comment

JERICHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with