^

Pang Movies

Dingdong at Marian, personal ang relasyon sa fans

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na taon na palang matatag ang fan base ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. At kagaya sa nakagawian nila ay pinaunlakan nila ang imbitasyon ng kanilang taga-suporta na mag-celebrate kasama sila.

Personal na pumunta si Marian sa selebrasyon samantalang nagpadala naman ng video greeting si Dong dahil kasalukuyan siyang nasa isang showbiz commitment noon.

Tuwang-tuwa ang fans dahil hindi pa rin nagbabago ang samahan nila ng iniidolo at kita nila ang humility ng dalawa. Wala namang dudang kaya patuloy ang suporta sa kanila ay dahil personal ang kanilang relationship sa mga fans.

Mayor HB nagpakain sa Enca

Kaloka may naligaw sa Encantadia kamakailan, at hindi basta-bastang mortal lang ito. Ang alkalde ng Quezon City na si Mayor Herbert Bautista ang bumisita sa Encantadia set para mangumusta sa ilang kaibigan sa industriya.

Literal ang “may pakain si mayor” dahil nagdala ng pagkain ang alkalde para sa buong cast. Idinaan ni Direk Mark Reyes sa Instagram ang pasasalamat sa butihing mayor matapos nitong personal na pumunta sa set para magdala ng Japanese food. Natuwa rin ang buong cast at nagpasalamat kay Mayor Herbert dahil sa malasakit nito at pagiging generous.

Samantala, may pa-piging din na magaganap sa Lireo at excited na ang lahat para rito. Panay ang post ng cast sa Instagram tungkol dito, pero ang mas nakakaintriga pa ay ang mga post ni Direk Mark Reyes tungkol sa dance rehearsals ng cast para sa isang musical production na ipapalabas sa mga susunod na episode. 

               

vuukle comment

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with