^

Pang Movies

Nadine naagawan ng korona si Maine!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Wow, tinalbugan ni Nadine Lustre sina Janine Gutierrez, Janella Salvador, at Liza Soberano at iba pang local young actresses bilang Favorite Pinoy TV Star sa katatapos na Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2017, huh!

Tapos, sa unang salvo ng bilangan para sa FHM’s Most Sexiest isa rin si Nads sa uma­­arangkada ang pangalan sa mga na­ngu­­nguna! Pasiklab nga naman ang pi­nag­pis­tahang sexy pics niya sa beach.

Sa isang video message, nagpasalamat si Nadine sa lahat ng bumoto sa kanya. Bago inilabas ang winner, lahat silang apat ay sumailalim sa kani-kanyang challenge.

Naganap ang botohan nu’ng Marso 3-6 sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, at ballot boxes na nakalagay sa Toy Kingdom. Naganap ang awards night last March 11 sa Los Angeles, California.

Si Maine Mendoza ang nanalo last year ng Favorite Pinoy Personality.

Matapos ang duathlon, Kim motocross naman  ang pinagkakaabalahan!

Sinubukan naman ni Kim Chiu ang motocross matapos ang pagsali sa isang duathlon. Present nga ang ka-loveteam na si Xian Lim sa photo na ipinost ng Chinita Princess sa sports na kinahuhumalingan niya ngayon.

Hindi man niya gamay, unti-unti namang nagugustuhan ni Kim ang sports. Tutal naman, physically fit na ang dating niya kaya hindi na siya kayang tangayin ng hangin, huh!

He! He! He!

Mga sampal ni LJ walang epekto sa fans ni Julie Anne

Walang natatatanggap na bashing si LJ Reyes mula sa fans ni Julie Anne San Jose kahit todo-todo ang pananakit niya sa singer-actress sa GMA drama na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

“Wala naman kasi ka-Twitter ko sila eh! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni LJ nang bisitahin ng press sa taping.

Eh, madalas daw silang magkasakitan ni Julie Anne sa tarayan nila, huh!

“Minsan kasi, ‘yung mga sampal ko sa kanya, hindi maiwasang tumama. Kasi ‘pag nagkamali pa, uulitin ang eksena. Meron lang tamang alalay,” rason ng aktres. “Pero lately, ako ang nasasaktan! Ha! Ha! Ha!” dagdag niya.

Totoo bang magdyowa na sina Julie Anne at Benjamin Alves?

“Hindi ko naman tinatanong! Ha! Ha! Ha! Humihiwalay na nga ako ng tent eh! Ha! Ha! Ha!” saad ni LJ.

Dahil si Maricel Soriano ang unang gumanap sa role niya sa big screen, hangad ni LJ na ma-meet niya in person ang Diamond Star.

“Very versatile kasi siya kaya gusto ko si Maricel!” deklara ng girlfriend ni Paolo Contis.

Birthday ngayon ni Paolo. Dinner lang daw ang nakaplano nilang gawin at dahil busy sa trabaho, wala pa siyang nabibiling regalo sa BF.

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with