^

Pang Movies

Most beautiful actress may pinaayos sa mukha

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang may ipinaayos sa mukha ang aktres na palaging kasama sa Most Beautiful list ng local stars dahil biglang umalsa ang mga pisngi niya.

Kung may ipinatsugi sa mukha ang aktres, nagkamali siya ng desisyon dahil nawala ang kanyang natural beauty.

Ang tigas-tigas tingnan ng magkabilang-pisngi ng aktres na mukhang insecure na rin sa hitsura niya dahil nagkakaedad na siya.

Past 30 na rin ang age ng aktres na mabilis ang pagtanda dahil may foreign blood siya.

Cesar sangkatutak ang mga paratang

Tatlong buwan pa lang na nanunungkulan si Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board pero sangkatutak ang mga isyu na ipinupukol sa kanya.

Hindi ko na iisa-isahin ang mga isyu dahil kukulangin ang espasyo.

Hintayin na lang natin ang paliwanag ni Cesar dahil tiyak na haharapin niya ang problema na hindi puwedeng dedmahin dahil mabibigat ang mga paratang.

After all, si Cesar naman ang sangkot kaya siya rin ang makapaglilinis sa pangalan niya. Hindi siya dapat husgahan hangga’t hindi naririnig ang kanyang mga paliwanag.

Si Cesar ang appointee ni President Rodrigo Duterte para sa nasabing puwesto dahil sinuportahan niya ang presidential candidacy ni Papa Rody noong May 2016.

Excited na excited pa naman si Cesar nang tanggapin niya ang appointment dahil makakatulong din ang TPB sa local entertainment industry.

Magaganda ang mga plano ni Cesar para sa TPB kaya nakakaloka na ang dami-dami agad na mga eskandalosong isyu ang ibi­nibintang laban sa kanya.

Memorya ni Ryzza nahasa sa EB

Ang galing-galing ni Ryzza Mae Dizon sa Kantaririt segment kahapon ng Sunday PinaSaya dahil alam niya ang pamagat ng lahat ng mga kanta na pinahulaan nina Jose Manalo at Marian Rivera.

Si Ryzza Mae nga lang ang sumasagot sa mga tanong dahil walang alam sa kanta ang kanyang mga kakampi.

Magandang training kay Ryzza ang araw-araw na pag-apir niya sa Eat Bulaga dahil nahahasa nang todo ang  kanyang memorya.

Isa na lang ang dapat seryosohin ni Ryzza Mae, ang kanyang pagpapapayat para ma-achieve na niya ang pinapangarap na lean body.

Kylie sure na sa lalaki

Almost four months old na si Isabella, ang panga­nay nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

Habang lumalaki, nagiging carbon copy ni Mariel ang bagets, kahit marami ang nagsasabi na mas kamukha ni Robin ang anak nila.

Four months from now, magiging lolo na si Robin dahil sa July ang due date ng kanyang anak na si Kylie.

Nag-dialogue si Kylie na hindi pa siya sure sa gender ng sanggol na ipinagbubuntis niya pero sure ang source ng PM na boy ang magiging panganay nila ni Aljur Abrenica.

Matalas ang pang-amoy ng mga reporter dahil nalaman agad nila ang gender ng bagets, kahit walang official announcement sina Kylie at Aljur.

vuukle comment

RYZZA MAE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with