^

Pang Movies

1-year-old na anak ni Marian, kumakayod na agad!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malapit nang magsimula si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng bago niyang soap sa GMA-7, pero siya pa rin ang madalas na kasama ng unica hija nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kapag may mga lakad sila, kasama na rito ang pagsu-shooting ni Baby Zia ng TV Commercials. Minsan ay natanong si Marian ng entertainment press kung paano sila tumatanggap ng endorsement ni Zia na balita namin ay mga ten brands na ang may offer sa kanila?

“Maraming nag-o-offer ng endorsements kay Zia, pero pinag-iisipan naming mabuti kung alin ang tatanggapin,” sabi ni Marian. 

“Sinisiguro naming maaalagaan siya at nagbibigay sila ng tamang oras ng pagtatrabaho ng anak namin. Naiintindihan naman nila kung ano ang ibig naming sabihin, dahil inalam muna ni Dong kung ano’ng rules na dapat sa pagtatrabaho ng tulad ni Zia.”

Tinanong si Marian kung magkano ang talent fee ni Zia, hindi niya sinabi kung how much, pero mas mataas daw kaysa talent fee nila ni Dingdong. Saan napupunta ang talent fee ni Zia?

“Nasa bangko lahat. Nag-open ako ang sarili niyang account sa Philippine National Bank (PNB). Lahat ng kinikita niya ipinapasok ko sa bangko, wala kaming kinukuha ni Dong kahit isang kusing. Kapag dumating siya ng 18 years old, ibibigay naming lahat iyon sa kanya, bahala siyang i-manage iyon.”

Sino ang mas strict sa kanila ni Dingdong pagdating sa anak nila?

“Ako ang lagi niyang kasama kaya mas strict ako. Nagkakain-tindihan naman kami ni Dingdong pagdating doon.”

Sunshine tinototoo ang pang-uupak kay Ryza!

Nakakatuwa ang mga netizens dahil hinihintay na raw nilang mapanood ang cat fight nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) sa Ika-6 Na Utos, sa afternoon prime ng GMA-7 na idinidirek ni Laurice Guillen

Ang pinag-aawayan nina Emma at Georgia ay si Rome (Gabby Concepcion).

Totoo kayang nagkasakitan ang dalawang mahusay na actress sa taping?  Bigay-todo raw kasi si Sunshine na nakaka-relate sa character niyang inagawan ng asawa. 

At si Georgia naman, ipinaglalaban niya si Rome dahil wala na siyang mapupuntahan kapag iniwanan siya nito. 

        Napapanood araw araw ang Ika-6 Na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with