^

Pang Movies

Mocha Uson umaabuso na sa bagong posisyon, supalpal din kay Edgar Allan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Umalma si Edgar Allan Guzman sa video blog ng bagong Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) board member na si Mocha Uson sa ginawa nitong pagbatikos at pagtawag na “basura” sa Abuso episode ng Ipaglaban Mo ng ABS-CBN aired last Feb. 11.

Isa sa bida ng nasabing episode si EA (tawag kay Edgar Allan) kaya naman hindi niya mapigilang hindi mag-react sa mga pahayag ni Mocha.

Naglabas ng kanyang depensa si EA sa kanyang Instagram account last Monday. Aniya, “Excuse me po Mocha, hindi po basura ang Ipaglaban Mo”.

Ayon pa kay EA, hindi raw niya matanggap na sabihing “basura” ang pinaghirapan nilang episode.

Narito ang kabuuan ng post ni EA:

“Mawalang galang na po MOCHA, kilala mo ako simula pa noong nagkatrabaho tayo sa TV5. Hindi ko matanggap na sabihin mong BASURA ang pinaghirapan naming episode ng IPAGLABAN MO.

“Kung mayroon kang reklamo ukol dito, dumaan tayo sa tamang proseso. May due process sa mga reklamo sa MTRCB - at bilang Board Member, mas maganda kung pag-uusapan ito nang maayos, hindi yung nanlilibak at nagwawala ka na sa social media blog mo.

“Mabuti pa ang MTRCB Chairman ninyo na may itinakdang pagpupulong tungkol dito bukas at hindi yung nag-iingay ka na agad.

“At sa huli’t huli, itataya ko ang munti kong pangalan sa industriyang ito na mas maayos naman ang episode namin sa IPAGLABAN MO kaysa sa mga pelikula mong BUTAS 2 (2012) at 
SEKSING MASAHISTA (2011).

“Please konting RESPETO naman sa mga artistang Pilipino at oo, RESPETO rin sa tamang proseso bilang concerned na mamamayang Pilipinong nasa poder ngayon. #Respeto#HindiBasuraAngGinawaKo#UmayosKaMocha.”

Kaisa kami ni EA sa kanyang paninindigan especially sa kanyang statement na sana ay dumaan sa tamang proseso si Mocha at matuto naman sanang irespeto ang mga artistang Pilipino.

Kasama sa kontrobersiya ang The Better Half na isa rin sa binatikos ni Mocha at tinawag na “basura”.

Ang pilot episode ng serye ang kinukuwestiyon niya na para sa kanya ay nagpakita ng hindi kaaya-aya sa telebisyon at ginagamit daw ng serye ang ratings na SPG (Strictly Parental Guidance) para abusuhin at ilusot ang malalaswang eksena.

Sa totoo lang, parang si Mocha yata ang umaabuso sa kanyang bagong posisyon dahil sa kanyang mga walang pakundangang paha­yag. Para tawagin mong basura ang isang programa na alam mong pinaghihirapan ng mga artista, direktor, at buong produksyon dahil lang sa isang eksenang hindi mo nagustuhan, sobrang panghuhusga naman yata ‘yun.

Tulad na lamang ng The Better Half, ang nasabing serye ay tumatalakay sa mga importanteng paksa ng lipunan. Ang mga sinasabi niyang malaswang eksena ay mas may malawak na kahulugan at ito ang reyalidad ng buhay.

Isa sa tinatalakay na problema ng The Better Half ay ang mental illness gaya ng anxiety disorder na pinagdaanan ni Camille (Shaina Magdayao) matapos mawala ang asawa niya. Hindi biro ang ganitong karamdaman dahil maaari itong makasira ng buhay. Dapat agad itong bigyan ng lunas.

Ang istorya ni Camille ay nakapagbibigay din ng inspirasyon sa mga manonood dahil nawalan siya ng asawa at halos nabaliw na pero lumaban siya at bumangon muli para sa pamilya.

Ang mga karakter naman nina Carlo Aquino at JC De Vera ay nakaka-inspire rin na handang gawin ang lahat para sa taong mahal nila.

Ang karakter naman ni Denise Laurel na naging baliw sa pag-ibig na halos ikasira na ng kanyang buhay ay nagsisilbing babala para sa lahat ng mga taong sobra kung umibig.

At higit sa lahat, bihirang gawin sa telebisyon ang ganitong tema.

Samantala, sa panayam ni MTRCB Chair Rachel Arenas sa Showbiz Talk Ganern ng DZRH at inilathala ng PEP, sinabi ng bagong chief na hindi sila nagse-censor ng mga programa.

“We classify and we rate,” she said.

At kadalasan daw, ang network na mismo ang nagse-self-regulate

“So, minsan nagkakaroon ng episode na sila [networks] na po mismo ang automatically ang nag-e-SPG. Nagse-self-regulate na po sila,” pahayag pa ni Chief Rachel.

vuukle comment

EDGAR ALLAN GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with