^

Pang Movies

Pia ipu-push ang career sa Hollywood!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos ng higit na 26 years ay isang European beauty queen ang nakapanalo ng Miss Universe crown.

Si Miss France Iris Mittenaere ay ang ikalawang French beauty queen na nakoronahang Miss Universe sa MOA Arena noong nakaraang Lunes.

Huling nanalo ang France ay noon 1953 pa at si Christiane Martel ang kumatawan ng bansang iyon. Kaya after 64 years ay naibalik sa kanila ang korona.

Ang huling European beauty queen na nanalo ng Miss Universe ay si Miss Norway Mona Grudt noong 1990.

For 26 years ay puro mga taga America, Latin America, Africa at Asia ang nananalo ng korona.

Hindi naging matunog si Miss France noong dumating siya rito sa Pilipinas. Hindi tulad nila Miss Venezuela, Brazil, Colombia at ilan pang latina beauties na naging maingay agad ang mga pangalan.

Laking gulat ng marami na hindi nakapasok sa Top 13 si Venezuela. Pati na ang mga bet ng marami na sina Miss Nicaragua, Spain at Sierra Leone.

Dark horse na maituturing si Miss Kenya dahil sa surprise na pagpasok niya sa Top 13 hanggang Top 6. Si Miss Haiti ang inakala ng marami na mananalo, pero naging 1st runner up lang siya.

Si Miss Colombia naman ay kitang-kita ang disappointment nang maging 2nd runner up lang siya.

Sa pagpasa ni Pia Wurtzbach ng korona, tuloy ang kanyang journey. Pumirma na siya sa sikat na modeling agency sa buong mundo na IMG kung san isa sa hawak nito ay ang highest paid supermo­del na si Giselle Bundchen.

Maine nagbabad sa workshop

Bago muna i-offer ng GMA 7 ang teleserye na Destined To Be Yours kay Maine Mendoza, inalam nila kung handa na ba ito sa matinding pressure ng pag-taping ng isang teleserye.

Hindi raw kasi ito tulad ng ginagawa niya sa Eat Bulaga na Kalyeserye na kalahating oras lang ang trabaho sa TV. Three times a week ang taping at pa-morningan ang trabaho.

Pinag-isipan nang mabuti ng managerment ni Maine kung magiging handa na ba ito sa ganitong trabaho dahil sa matinding schedules nito.

Ayon kay GMA VP for Drama Ms. Redgie Magno: “Noong una, noong sinabi ngang hindi pa siya ready, ang sabi sa amin ni Mr. Tony Tuviera, ‘We will tell you when she’s ready. She has to go through a series of workshops,’

“I guess dumaan din siya doon kasi sa kanila rin naman nanggaling na she’s ready.”

Habang hinihintay ang availability ni Maine, inayos ng husto ng creative team ng GMA-7 ang magiging story ng Destined To Be Yours. Hindi lang kasi basta teleserye dahil unang teleserye ito ng phenomenal loveteam ng Philippine Television.

Wala naman daw naging problema kay Alden Richards dahil matagal na itong gustong gumawa ulit ng teleserye. Kaya committed na ito sa project sa una pa lang.

 

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with